Mom of teen netizen on Ellen Adarna's no-show at preliminary hearing: "I am so disappointed."

IMAGE Instagram / Rachelle Siazon

Myra and Roel Santos (right), parents of teen netizen accused by actress Ellen Adarna of being a paparazza, admit to feeling "disappointed" given respondent Ellen's absence at the second preliminary hearing of their legal battle at the Pasig Prosecutor's Office today, June 25.


Dismayado ang complainants na sina Myra at Roel Santos sa hindi pagsipot ng respondent na si Ellen Adarna sa preliminary hearing na ginanap sa Pasig City Prosecutor's Office ngayong Lunes, June 25.

Kaugnay ito ng reklamong Anti-Cybercrime at Anti-Child Abuse na isinampa laban kay Ellen matapos akusahang "paparazzi" ang menor de edad na anak ng complainants.

Bandang 2:35 p.m. nang magsimula ang pagdinig sa tanggapan ni Prosecutor Mario Bautista.

Kasama ng mag-asawang Myra at Roel ang kanilang legal counsel na si Atty. Arnold Labay.

Naroon din ang legal counsels ni Ellen na sina Atty Romeo Saguisag, Atty. Reggie Ukol, at Atty. Des Ukol.

"I am so disappointed," pahayag ni Myra pagkatapos ng pagdinig.

Ni-reschedule ulit sa July 9 ang hearing base sa request ng kampo ni Ellen.


Hindi nakarating si Ellen dahil pinayuhan umano ito ng doktor na huwag mag-travel dahil sa pagbubuntis nito.

Ito ang ikalawang beses na na-reset ang pagdinig sa reklamo ng mag-asawang Santos.

Noong June 11 ay tanging ang boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz ang dumating sa Pasig Prosecutor's Office.


Stories We Are Tracking

John Lloyd attends hearing of legal complaints vs. gf Ellen
John Lloyd attends hearing of legal complaints vs. gf Ellen

Pakiramdam ba niya ay delaying tactics lamang ito ng respondent?

Sagot ni Myra, "I don't know, you have to talk to them. Pero hindi na ako happy..."

May 15 nang pormal na ihain nina Myra at Roel ang reklamo laban kay Ellen sa Pasig Prosecutor's Office.

Ito ay matapos ang limang araw na palugit ni Myra kay Ellen na mag-isyu ng public apology kaugnay ng social-media controversy na kinasangkutan ng anak.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang pormal na pahayag si Ellen hinggil sa isyu.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi
Ellen makes
Ellen makes "patol" to netizen for secretly taking videos
Teenager's family demands public apology from Ellen Adarna
Teenager's family demands public apology from Ellen Adarna
Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN