Ellen Adarna no-show at hearing due to doctor's advice; lawyer says, "Medyo difficult yung pregnancy."

IMAGE Noel Orsal / Rachelle Siazon

Ellen Adarna's legal counsel Atty. Rebo Saguisag on why his client has yet to submit a counter-affidavit in legal complaints filed against her by Myra and Roel Santos: "May ibang paraan naman... She doesn't have to go here. Kasi puwede naman yun, e, sumpaan yung kontra-salaysay sa piskalya sa Cebu, 'tapos i-submit namin. However, pati yun, binawalan ng kanyang doktor. Ayaw naman namin pilitin. Ayaw muna namin siya ma-stress. Medyo difficult yung pregnancy."


Inihayag ng kampo ni Ellen Adarna na “any form of travel” ay ipinagbabawal sa aktres dahil sa maselan nitong pagbubuntis.

Ito ang dahilan kung bakit sa ikalawang pagkakataon ay no-show si Ellen sa preliminary hearing ng reklamong Anti-Cybercrime at Anti-Child Abuse na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Myra at Roel Santos.

Kaugnay ito ng “paparazzi” issue na kinasasangkutan ng menor de edad na anak ng complainants na si Eleila Santos.

Paliwanag ng legal counsel ni Ellen na si Atty. Rebo Saguisag:

“Ayun na nga, may medical certificate, advised against any form of travel.

“Parang may binanggit dun na under normal fetal weight. Magaan yung bata masyado.

“Again, hindi pinapabiyahe ang aming kliyente.

“And as you know, she's still in mourning after the death of the father.”

Si Atty. Rebo Saguisag ay anak ni dating Senator Rene Saguisag at naging exective director ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Kasama rin ni Atty. Saguisag ang dalawa pang legal counsels ni Ellen na sina Atty. Reggie Ukol at Atty. Des Ukol.

Si Ellen ay kasalukuyang nasa Cebu na hometown ng kanyang pamilya.

Tila nanatili roon ang sexy actress mula nang pumanaw ang negosyante nitong ama na si Alan Modesto Adarna noong June 2.

Kaya’t umapela muli ang kampo ni Ellen na i-reset ang hearing sa July 9.

DIFFICULT PREGNANCY? Aminado ang abugado ni Ellen na dismayado ang complainants na sina Myra at Roel dahil sa hindi pagsipot ng sexy actress.

Lalo na’t hanggang sa ngayon ay wala pang isinusumiteng kontra-salaysay si Ellen hinggil sa kinasasangkutang legal battle nito.

Ani Atty. Saguisag, “Well, I would understand if you were on the other side, siguro expectation nila makapag-file kami.

“Siguro naman nagbanggit kami dati, ‘We will try.’ But again, hindi natin alam ang kalagayan ni Ellen.

“May disclaimer naman po kami nun, two weeks ago, sabi namin hindi namin maipapangako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully we can. Yun po may medical certificate po.”

Required bang humarap si Ellen sa pagdinig sa July 9 sa Pasig Prosecutor’s Office?

Sagot ng legal counsel ng sexy actress, “May ibang paraan naman... She doesn’t have to go here.

"Kasi puwede naman yun, e, sumpaan yung kontra-salaysay sa piskalya sa Cebu, 'tapos i-submit namin.

“However, pati yun, binawalan ng kanyang doktor.

"Again, that's the problem, she was advised any form of travel.

"Ayaw naman namin pilitin. Ayaw muna namin siya ma-stress.

"Medyo difficult yung pregnancy.”

IS SETTLEMENT AN OPTION? Sa ngayon, tumangging magdetalye ang kampo ni Ellen kung paano nito haharapin ang reklamo kung wala itong balak na mag-isyu ng public apology.

“We will have to discuss with the client. We don’t want to preempt that yet,” sabi ni Atty. Saguisag.

Wala rin daw silang pinal na napag-usapan ni Ellen kung susubukan nilang makipag-settle sa kampo nina Myra at Roel.

“As lawyers, dapat open kayo sa lahat ng options. As peacemakers, hindi naman kami laging palaban.

“But we have not discussed that option nang malaliman.

“For now, with due respect sa mourning niya, and we just want her to have a safe delivery. Ayaw muna namin siyang ma-stress.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Cinema News, GMA News, at Celebrity Aksyon ang legal counsel ni Ellen sa Pasig Prosecutor's Office ngayong Lunes ng hapon, June 25.

"WARNING" TO ELLEN. Sa kabilang banda, hindi itinago ng ina ng nasangkot na teen netizen ang pagkadismaya dahil tila hindi umuusad ang isinampa niyang Anti-Cybercrime at Anti-Child Abuse complaints laban kay Ellen.

Sa loob pa lang ng sala ni Prosecutor Mario Bautista ay halatang inis na si Myra. 

Maliban sa sinabi nitong “very disappointed” ito sa pagkabinbin ng reklamo kay Ellen, hindi na nagdetalye pa si Myra at agad ding umalis ng Pasig Prosecutor’s Office. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa legal counsel ni Myra na si Atty. Arnold Labay, malinaw na “delaying tactics” ang muling hindi pagsipot ni Ellen.

“That’s how she feels right now.

“It has to be explained by the other camp but she’s very disappointed with the reset.”

Sa huli, sinabi ni Atty. Labay na binigyan na ng “warning” ang kampo ni Ellen na sagutin ang reklamo ng kanyang kliyente sa rescheduled hearing sa July 9.

Tanging ang boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz ang humarap sa Pasig Prosecutor's Office sa naunang hearing noong June 11.


Stories We Are Tracking

John Lloyd attends hearing of legal complaints vs. gf Ellen
John Lloyd attends hearing of legal complaints vs. gf Ellen
Ellen Adarna no-show at first hearing of cases against her
Ellen Adarna no-show at first hearing of cases against her
Ellen Adarna spotted with John Lloyd Cruz at Cebu hospital
Ellen Adarna spotted with John Lloyd Cruz at Cebu hospital


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN