Dennis Roldan's appeal in kidnapping case junked by Court of Appeals

IMAGE Jojo Gabinete

Dennis Roldan still faces lifetime imprisonment with Court of Appeals affirming Pasig Regional Trial Court's decision that he is guilty for kidnapping a three-year-old boy in 2005.


Pinagtibay ng Court of Appeals ang hatol na guilty sa dating aktor na si Dennis Roldan para sa salang kidnapping sa isang tatlong-taong batang lalaki noong 2005.

Si Dennis ay kilala bilang Mitchell Gumabao sa tunay na buhay.

Ayon sa ulat ng GMA News Online noong June 23, sinabi ng CA Fourteenth Division na hindi sapat ang ebidensiyang isinumite ni Roldan upang mabaliktad ang “guilty beyond reasonable doubt” na hatol ng Pasig Regional Trial Court noong 2014.

Ito ay sa kadahilanang kinuwestiyon lang daw ng kampo ni Roldan kung bakit may mga “certain pieces of evidence” ang kinatigan ng korte habang ang iba ay ibinasura nito.

Ngunit iginiit ng CA na “binding, legal, and within jurisdiction” ang naging basehan ng Pasig RTC noon.

Si Roldan ay pinatawan ng parusang reclusion perpetua o lifetime imprisonment.

Gayundin ang hatol ng Pasig RTC sa kapwa-akusado ni Roldan na sina Rowena San Andres at Adrian Domingo.

WITNESS ACCOUNT. Ayon sa ulat ng GMA News Online noong July 25, 2006, sampung katao ang humarap na testigo laban sa mga akusado.

Isa na rito ang ina ng biktima na si Jenny Yu, na nagsumite ng palitan nila ng mensahe ni Roldan noong nanghihingi ito ng ransom money, bilang karagdagang ebidensiya.

Sinasabing humingi ng P250 million ransom ang mga akusado, ngunit binabaan ito sa P10 million matapos tumawad si Yu.

Noong August 2008 ay tumestigo mismo ang biktima—na noo’y may edad na anim na taong gulang—at positibong itinuro sina Roldan at San Andres kaugnay ng kasong kidnapping.

Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng awtoridad ang diumano’y co-mastermind ni Roldan na si Suzette Wang.

Si Wang ay diumano’y kasintahan ni Roldan at malapit na kaibigan ng ina ng biktima.

CHILDREN'S SUPPORT. Ang mga anak ni Dennis na sina Michelle at Marco Gumabao ay wala pang iniisyung opisyal na pahayag at press time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam ng PEP.ph noong Marso, inihayag ni Michelle na nananatili ang respeto at paghanga niya sa ama sa kabila ng sitwasyon nito. 

Ito ay matapos niyang manalo bilang Bb. Pilipinas-Globe 2018.

Ani Michelle, "He’s a good provider, a good person. He’s very good with people.

“He taught me how to fight in life, to always win and to always give my best.

Naging full-time pastor si Roldan nang makapagpiyansa ito noong July 2006, hanggang sa nahatulan itong guilty sa kasong kidnap-for-ransom noong August 2014.


Stories We Are Tracking

Michele Gumabao maintains admiration and respect for dad
Michele Gumabao maintains admiration and respect for dad
Dennis Roldan guilty of kidnapping Fil-Chi boy in 2005</p&
Dennis Roldan guilty of kidnapping Fil-Chi boy in 2005


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN