Solenn Heussaff defends Anne Curtis against body-shamers

IMAGE Noel Orsal

Solenn Heussaff (right) comes to sister-in-law Anne Curtis's (left) rescue after being body-shamed by netizens.


“It’s not nice and proper,” buwelta ni Solenn Heussaff tungkol sa mga netizen na pumupuna sa pangangatawan ng ibang tao.

Kaugnay ito ng pagtatanggol ni Solenn sa sister-in-law niyang si Anne Curtis laban sa netizens na pinuna ang timbang ng It’s Showtime host.

Nagsimula ito nang mag-post si Solenn sa Instagram ng isang larawan kasama ang kanyang mga magulang, ang asawang si Nico Bolzico, ang kapatid na si Erwan Heussaff at asawa nitong si Anne.

Sa comments section, may netizens na pumansin sa timbang ni Anne at inakala pang buntis ito ngayon. 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

Sumagot ang ABS-CBN actress-host at nilinaw na hindi siya buntis.

Dahil lang daw sa anggulo at kinaing egg tart kaya nagmukhang malaki ang tiyan niya.


Stories We Are Tracking

Anne Curtis denies she's pregnant
Anne Curtis denies she's pregnant

Pero nagpakawala ng masasakit na salita ang ilang netizens tungkol kay Anne.





SOLENN DEFENDS. Nagkomento rin si Solenn para ipagtanggol si Anne.

Aniya, hindi magandang punahin ang timbang ng ibang tao.

Napansin daw ng Filipino-French Kapuso star na kadalasan itong ginagawa ng mga “tita” sa Pilipinas bilang paraan ng pagbati, pero hindi raw magandang kaugalian ito.

Buong komento ni Solenn, “Even if you are saying cute things, it’s really a bad habit to always comment about people’s weight.

“It’s always done in the Philippines by our titas and friends and has become [like] a 'Hello' in our society.

“It’s really not nice and not proper. Whether it's gaining or losing weight, people should stop. Really.”


Marami ang nagtanggol kay Anne at pumanig kay Solenn. 




ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN