Ciara Sotto reacts to Valeen Montenegro's denial on third-party rumor: "Liars go to hell, di ba?"

IMAGE Instagram

Ciara Sotto has filed for annulment of her marriage to estranged husband Joe Oconer. Asked for her reaction on Valeen Montenegro's adamant denial of being the third party in their marriage, Ciara said, "If that's her version of the truth, I cannot comment on that. Pero ako kasi, takot ako magsinungaling. Liars go to hell, di ba?"


Mahigit tatlong taon na ang nakararaan nang maghiwalay si Ciara Sotto at ang mister niyang si Joe Oconer.

Wala pang isang taon ang anak nilang lalaki na si Crixus nang mangyari ang kanilang hiwalayan.

Pero ayon kay Ciara, masaya siya ngayon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actress-host sa press launch ng tvN Asia's One Night Food Trip International Edition 2 noong June 22, sa City of Dreams, Parañaque City.

Aniya, “I’m happy, lalo na ngayon may project kami ni Danica [Sotto] na ganito.

"It’s been really good. Life’s been good and I’m very thankful to God for that. 

"I’m very happy with the way Crixus is growing-up.

"You know, I’m just at peace with my life right now."

Para niyang sinasabi na mas okay siya ngayong kesa noong buo silang pamilya?

“For me, yes, of course,” pag-amin niya.

“Pero ganun naman talaga ang marriage. Meron kayong pagdadaanan na mahirap."

Patuloy ni Ciara, "But then again, kapag hindi mo na talaga kaya and you think you’re compromising your own self, your own happiness, [if] it’s not making you a better person anymore, and you’re not happy with yourself anymore...

“And I have zero tolerance for cheating. So, I think it’s time to let go.”

THIRD PARTY. Inamin ni Ciara na siya ang nag-file ng annulment.

“Ako ang nag-file, kasi sino pa ba magpa-file?” biro niya.

“Pero kasi, feeling ko rin, habang maliit si Crixus, mas madali for the kid.

"Kesa paglaki pa niya, mas marami na siyang tanong. 'Bakit ka nagpupunta sa court?'

"It would be easier for him. Yung anak ko rin ang iniisip ko.”

Si Valeen Montenegro ang pangalang lumalabas na diumano’y naging third party sa hiwalayan nina Ciara at Joe. 

Natawa at ayaw nang magbigay ng anumang komento pa ni Ciara nang hingan namin siya ng reaksiyon sa interview ni Valeen kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay nagpahayag si Valeen na parang nadamay lang ito sa publicity noong hiwalayan nina Ciara at Joe.


Stories We Are Tracking

Valeen's relationship unaffected by past third-party issue
Valeen's relationship unaffected by past third-party issue

Pero nakangiting sabi ni Ciara, “Actually, if that’s her version of the truth, I cannot comment on that.

"Pero ako kasi, takot akong magsinungaling.

“Liars go to hell, di ba?” 

Ang dahilan ba talaga ng paghihiwalay nilang mag-asawa ay dahil sa third party?

Sagot ni Ciara, “Yes, yes, but it’s not just because of that. Marami na kasing... pero yun talaga ang nag-trigger.

“So, for me, that’s enough. I feel very disrespected.

“Matagal na yun and nagpa-file na kami ng annulment ngayon.”

Hindi rin naman daw naging madali sa kanya ang pag-move on mula sa nangyari sa marriage life niya.

Ayon kay Ciara, “Hindi madali.

“Siguro for one year, masakit pa, fresh pa.  

“But then again, for me, makikita mo support system ng family ko, yung anak ko. He’s such a joy to be with.

“So, parang mas naging madali. And number one talaga is God. God really gave me the strength.”

CIVIL TO EACH OTHER. Civil naman daw sila ngayon ng estranged husband.

Maayos din daw ang relasyon nito sa kanilang anak.

Aniya, “I cannot say we’re friends or super friends, it’s hard to say because, you know, friends really run to each other for anything.

"But, civil kami ngayon.

“Especially for my son, I think it’s important na civil kami.

"Kasi, it’s important for him to have a relationship with his dad also.  Every week naman nagkikita sila.”

Kasama ni Ciara ang kanyang three-year-old son sa press launch ng One Night Food Trip, at base sa obserbasyon namin ay mabait ang anak niya.

Pinatotohanan din ng yaya ni Ciara na, ayon dito, ang kabaitan daw siguro ng anak ang isa sa blessings ng aktres, singer, at pole dance instructor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He is good, he loves his dad naman. Excited naman siya to see him,” sabi ni Ciara.


Stories We Are Tracking

Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer
Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer
Valeen accused of being third party in Ciara-Jojo split
Valeen accused of being third party in Ciara-Jojo split
Ciara Sotto hints at third party in her tweets
Ciara Sotto hints at third party in her tweets
Valeen Montenegro denies causing Joe-Ciara separation
Valeen Montenegro denies causing Joe-Ciara separation


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN