Sofia Andres hopes to manage anxiety disorder before ending hiatus

IMAGE Courtesy: @iamsofiaandres on Instagram

While Kapamilya actress Sofia Andres misses being in front of the camera, she says she needs to be fully-ready before going back to work. She is currently undergoing therapy for her anxiety disorder. "I got to realize things, pero gusto ko pag bumalik ako [sa harap] ng camera and sa showbiz, I'm ready to face all of it."


Ngayong mas bukas nang napag-uusapan ang kahalagahan ng mental health, nakadaragdag sa paglikha ng awareness ang pagbabahagi ng local celebrities ng kanilang karanasan upang mapagtagumpayan ang kanilang kondisyon. 

Kamakailan ay inamin ng Kapamilya artist na si Sofia Andres na siya ay mayroong anxiety disorder, at siya ay sumasailalim sa therapy at counseling. 


Stories We Are Tracking

Sofia Andres braves stigma against mental health illnesses
Sofia Andres braves stigma against mental health illnesses

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sofia sa RBeautified book launch ng celebrity makeup artist na si RB Chanco sa Manila House Private Members Club sa Bonifacio Global City, Taguig, kahapon, June 27.

Dito ay naging bukas ang aktres tungkol sa kanyang kalagayan at kung paano niya ito pinaglalabanan.

Aniya, "I've been going to my therapist kasi I've been dealing with anxiety. But now I'm doing better, I'm doing a lot better.

"I chose to rest muna for a month from showbiz, kasi yun ang nagku-cause sa akin minsan, [it's been] stressing me out."

Ayon kay Sofia, noong aktibo pa siya sa showbiz ay halos araw-araw ang kanyang anxiety attacks at malaki ang koneksiyon dito ng halos araw-araw na trabaho at sobrang pag-iisip.

Ayon sa isang advice column sa website ng ABC News, ipinaliwanag ni Dr. Cathy Frank kung ano ang anxiety attack.

Aniya, "An anxiety attack often comes in reaction to a stressor. You're walking down a dark alley and hear footsteps, or you're at even the top of a [roller coaster] and looking to go down that large hill."

Ayon pa sa doktor, "[In] An anxiety attack, people may feel fearful, apprehensive, may feel their heart racing or feel short of breath, but it's very short lived, and when the stressor goes away, so does the anxiety attack."

Ayon naman sa Anxiety and Depression Association of America, ang mga may anxiety disorder ay maaaring makaranas ng panic attack o ang "abrupt onset of intense fear or discomfort that reaches a peak within minutes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ilang sintomas ng isang panic attack ay palpitations o pagbilis ng tibok ng puso, pamamawis, panginginig, pagkahilo, at pakiramdam na nawawalan ng hininga.

Kuwento ni Sofia, "Before, like almost every day... yung trabaho, people, 'tapos yung process, laging puyat.

"I worry kasi a lot of times, e, parang I think in advance and it is not helping me.

"I'm an overthinker talaga."

Patuloy niya, "That's why mas okay pag nag-i-stay ako sa bahay, kasi I'm introvert.

"Pag introvert, nakakakuha sila ng energy pag mag-isa lang.

"I got to realize things, pero gusto ko pag bumalik ako ng camera and sa showbiz, I'm ready to face all of it."

Aminado si Sofia na nami-miss na niyang humarap sa camera at umarte, pero ang gusto niya ay siguradong maayos na siya bago magbalik-showbiz.

"Sobra, I wanna go back, of course. Marami akong natutunan about myself, kasama iyan sa buhay.

"Actually challenge yun, it makes you stronger."

Dugtong pa niya, "Yung camera, ngayon nga nami-miss ko ang camera in front of me.

"Gusto kong bumalik pag I'm ready also talaga."

Hindi na rin naman maghihintay nang matagal ang fans ni Sofia dahil sa susunod na buwan ay balik-trabaho na ang aktres.

"Next month I'll be working na.

"I'll have, like, a movie and guestings also, so I'm excited kasi puwede na akong mag-work."

Ayon sa National Institute for Mental Health, bukod sa pagkonsulta sa doktor at pag-undergo ng therapy, isang mainam na paraan upang maibsan ang mga sintomas ng anxiety disorder ay ang tamang stress management. Importante rin ang suporta ng pamilya at mga kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN