Tony Labrusca gets emotional while talking about achieving his dreams

IMAGE Photo from Magandang Buhay / Instagram

Tony Labrusca: "Naa-amaze ako na alam ko, kahit hindi kami mayaman nung bata ako, binigyan ako ni Lord ng chance ngayon na ako naman ang mag-provide ng lahat ng mga pinangarap ko nung bata ako."


Emosyunal si Tony Labrusca nang magkuwento tungkol sa unti-unting natutupad na mga pangarap niya mula nang pumasok sa showbiz.

Sa guest appearance ni Tony at ng kanyang ina na si Angel Jones sa episode ng Magandang Buhay nitong Huwebes, June 28, ikinuwento ng mag-ina ang mga pinagdaanan nila bago marating ang magandang estado sa buhay.

Si Tony ay anak ni Angel sa dating boyfriend nitong si Boom Labrusca.

Si Angel ay dating miyembro ng bandang Kulay at itinanghal na winner ng isang bikini competition ng kilalang canned tuna brand noong Abril.

Limang taong nawalay si Angel sa kanyang mga anak para magtrabaho at mag-ipon ng pera.

Nasa Pilipinas noon si Angel habang naiwan si Tony sa kanyang stepfather at kapatid nito sa U.S.

Umuwi sa Pilipinas si Tony noong 2016 at sumali sa reality-based singing search ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar.

Nakarating sa grand finals si Tony subalit hindi siya pinalad na makasama sa limang nanalo.

Gayunpaman, ito ang nagsilbing break ng binata para makakuha ng projects.

Pinakamalaking proyekto niya, so far, ang prime time teleserye na La Luna Sangre, kung saan nakasama niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa pagtutulungan nila ng kanyang ina, natupad ni Tony ang pangarap na magkabahay.

Naiiyak na lahad niya, “Naa-amaze lang ako kasi nung bata ako, parang ang wish ko lang is sana nga magkaroon kami ng bahay.

“Ngayon, naa-amaze ako na alam ko, kahit hindi kami mayaman nung bata ako, binigyan ako ni Lord ng chance ngayon na ako naman ang mag-provide ng lahat ng mga pinangarap ko nung bata ako.”

ANGEL'S JOURNEY. Ikinuwento rin ni Angel ang pinagdaanang hirap.

Lahad niya, “Five years ago, as in wala akong pera.

"Marunong lang akong mag-makeup talaga, marunong lang akong magdala ng tiangge, ganun.

“But five years ago, as in wala akong pera, wala akong trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung anu-anong raket ang kinukuha natin, kahit nakakahiya minsan, but you do it because you need to survive.

“I was only eating itlog every day kasi yun ang mura na healthy.

“And I prayed and wrote down in my journal five years ago, ‘I’m going to have my children, I’m going to survive, and I’m going to have a billboard on EDSA.'

“And it’s just amazing. Hindi ko alam kung paano ko gagawin yun. I don’t know how, but I will, I believed I will.”

Nagsimula raw matupad ang kanilang mga pangarap nang umuwi si Tony sa Pilipinas at sinimulang pasukin ang showbiz.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN