Mark Bautista to his next relationship: "Accept me for who I am."

IMAGE Noel Orsal

Mark Bautista says one advantage of coming out is that he does not need to hide his true sexuality.


Masaya si Mark Bautista dahil mas maraming positive feedback sa pag-amin na isa siyang bisexual sa libro niyang Beyond The Mark.

“Wala nang nagsasabing negative sa akin,” sambit ng singer-actor.

“Nung first lang na lumabas, may mga nagmi-message sa ‘kin, ‘Ba’t ganun?’

"But after nun, siguro nabasa na nila na wala naman talaga akong… malinis ang intensiyon for the book.

“Now, marami akong natatanggap na na-inspire sa book or, one way or the other, natulungan sila ng libro.

“I just feel na parang bagong milestone talaga siya for me… Parang, accept me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa press conference ng kanyang upcoming musical play, ang Eto Na! Musical nAPO!, na ginanap sa Maybank Performing Arts Theatre, Taguig City, noong June 26.

Tatakbo ang musical play mula August 3 to 26 sa naturang venue.

ON LOVE LIFE. Inusisa rin si Mark kung may karelasyon ba siya ngayon.

“Wala, e. Parang after nun [pag-amin], parang isantabi ko muna yun,” nabilis niyang sagot.

Gayunpaman, bukas daw siya kung sakaling may dumating.

“Kung may papasok, kung may darating sa buhay ko na ganun, well, at least kilala na nila ako, wala na akong dapat i-explain sa buhay ko.'

Sabi pa ni Mark, "Accept me for who I am."

Hindi na raw siya nagpo-focus kung may negatibong epekto man ang kanyang ginawang pag-amin.

“Ini-enjoy ko lang yung bawat moment, yun now ang inisip ko.

"Ini-enjoy ko yung ngayon," pahayag niya.

Bukod sa Eto Na! Musical nAPO!, naghahanda rin si Mark sa kanyang upcoming 15th anniversary concert.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN