Trans woman wins Miss Universe Spain 2018

IMAGE Instagram / Credit to the ownder

Spain makes history by crowning Angela Ponce as its first-ever trans woman Miss Universe Spain.


Gumawa ng kasaysayan ang Spain nang koronahan nito ang kauna-unahang trans woman bilang Miss Universe Spain 2018 na si Angela Ponce.

Si Angela ang kakatawan sa Spain sa Miss Universe 2018, kung hindi ito kokontrahin ng Miss Universe Organization.

Tinalo ni Angela ang 21 pang kandidata sa kanilang national pageant na ginanap sa Palau Firal I de Congressos de Tarragona nitong Biyernes, June 29.

Si Sofia del Prado, Miss Universe Spain 2017, ang nagpasa ng korona kay Angela.

Si Angela, na isang modelo, ay una nang sumali sa Miss World Spain noong 2015 subalit nabigo siyang manalo.

Sa isang interview, sinabi niyang bata pa lamang siya ay alam na niyang siya ay kakaiba.

Gayunpaman, maliit pa lang ay suportado na siya ng kanyang mga magulang, at kahit ang kanyang ama ay sinasamahan daw siya habang naglalaro ng mga manika.

Sa edad na 11-anyos ay nag-imbestiga na si Angela tungkol sa transsexuality.

Matapos ng ilang taong hormone therapy, sumailalim siya sa surgery noong 2014 upang makumpleto ang kanyang transition.

Isa sa mga makakalaban ni Angela sa Miss Universe 2018 ay ang kinatawan ng Pilipinas na si Catriona Gray.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN