Ronnie Alonte speaks up about public display of affection with Loisa Andalio

IMAGE Instagram

Ronnie Alonte on PDA with Loisa Andalio: "Mahirap din talaga sa buhay namin na hindi kami puwedeng kumilos nang kakaiba kasi ang daming panghuhusga ng tao. Siguro kung ano ang naikita nila sa aming dalawa, nasa kanila na yun. Basta kami, hindi kami magsasalita."


Bagamat wala pa ring inaamin sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, alam ng marami na mayroon silang “mutual understanding.”

Sabi ni Ronnie tungkol sa kanila ni Loisa, "Masaya kaming dalawa, walang problema.

“Kung may problema man, tulog, pahinga...

“Pero ini-enjoy na lang namin, lalo na pag nagkikita kaming dalawa.

“May oras kami sa isa't isa.”

Dahil sweet at laging magka-holding hands kapag magkasama, ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabing sobra raw ang public display of affection nila ni Loisa?

Ayon kay Ronnie, “Mahirap din talaga sa buhay namin na hindi kami puwedeng kumilos nang kakaiba kasi ang daming panghuhusga ng tao.

“Siguro kung ano ang naikita nila sa aming dalawa, nasa kanila na yun.

“Basta kami, hindi kami magsasalita.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Ronnie sa book launch ng celebrity make-up artist na si RB Chanco noong June 27 sa Manila House, BGC.

KAPAMILYA PLAYOFFS. Samantala, malaki ang posibilidad na hindi mapanood si Ronnie Alonte sa darating na Star Magic All-Star Kapamilya Playoffs sa darating na August 19.

Sa celebrity playoffs noong nakaraang taon, kabilang si Ronnie sa Team Daniel at isa siya sa napiling Mythical 5.

Nanalo ang Team Gerald last year.

kunsaan isa siya sa mga special celebrity guests, ibinahagi ng aktor ang nangyaring insidente na naging dahilan ng kanyang knee injury.

Kuwento niya, “Hayun, yung left na tuhod ko, naaksidente ako sa basketball na nilalaruan ko dito.

“ACL [anterior cruciate ligament] siya.

“May punit yung ligament dun sa pinakasuporta ng calf ko.

“'Tapos, MCL [medial collateral ligament] yung side.

“So, dalawang injury ang hini-heal ko.

“Ang tanong nila sa akin, kung makakalaro ba ako sa August 19 game.

“So, mayroon akong one and a half months para mag-prepare dun.

“So, try natin kung makakalaro ako.”

Ayon kay Ronnie, dahil sa nangyari ay marami siyang di magawa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sobrang nakakalungkot lalo na lag nagte-training ako na nakikita ko na may bakal akong nakasuporta.

“Nakakalungkot... di naman ako dating ganun, e.

“Di na ako nakakasayaw. Nakakabawas trabaho din, madaming naapektuhan.

“Yung event pa naman na pinakamalaki, Kapamilya Playoffs, baka ma-miss ko pa. Fifty-fifty, e.

“Sana makalaro ako sa dasal ng mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN