Hashtags members speak up about being romantically linked to Vice Ganda

IMAGE Photo grabbed from GGV

Hashtags members (L-R) Wilbert Ross, Zeus Collins, Kid Yambao, Ronnie Alonte, and Vito Marquez say they are aware of rumors linking them to Vice Ganda.


Aware daw ang ilang miyembro ng Hashtags na may usap-usapang nag-uugnay sa kanila sa kasamahan nila sa It's Showtime na si Vice Ganda.

Ayon sa Hashtags members na sina Ronnie Alonte, Zeus Collins, Vito Marguez, Kid Yambao, at Wilbert Ross, hindi kaila sa kanila ang pang-iintriga ng ibang tao dahil sa pagiging malapit nila kay Vice.

Ang Hashtags ay ang all-male group na regular ding napapanood sa ABS-CBN daily noontime show.

Sa episode ng late-night weekly show ni Vice na Gandang Gabi Vice nitong Linggo, July 1, direktang tinanong ng comedian-TV host ang mga miyembro ng Hashtags kung naririnig nila ang mga usap-usapan tungkol sa kanila.

Ayon kay Ronnie, “Ako, sa akin, madami.

"Ako, hindi ko na lang pinapansin siyempre.

"Kilala ko naman kung ano tayo."

Sabi naman ni Zeus, “Para sa akin kasi, nung nakilala ko na si Ate Vice, parang wala na akong iniisip, ‘Sige, magsalita na kayo nang magsalita diyan. Alam ko naman kung ano yung ugali dahil nakakasama ko yung tao.’”

Sina Zeus at Ronnie ay kabilang sa first batch ng Hashtags.

SECOND BATCH. Naranasan din daw ng tatlong miyembro ng second batch ng Hashtags na sina Vito, Kid, at Wilbert na maintriga kay Vice.

Sabi ni Vito, anak ni Joey Marquez, “Kasi marami na rin akong pinagdaanang ganyan.

"Siyempre pag sinasabi sa akin, hindi mo puwedeng basehan yung looks—bakla ba or lesbian or whatsoever.

“Kilalanin mo muna yung tao bago mo siya i-judge.

“E, kasi knowing Ate Vice, parang she’s very mabait, kind.”

Narinig na rin daw ni Kid mismo sa bibig ng ibang tao na pinag-uusapan at inili-link sila kay Vice.  

Tugon niya, “Oo, meron naman siyempre.

"Katulad nung nag-mall ako, parang sabi... hindi lang ako, sabi, ‘Iyan mga Hashtags, mga alaga ni Vice iyan.’

"Parang naisip ko, ‘Ganun pala ang tingin ng ibang tao lang, hindi ko naman nilalahat.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Wilbert na bago siya mapabilang sa grupo ay may impresiyon siyang syota ni Vice ang ilang kamiyembro niya, kagaya nina Zeus at Ronnie.

Pakli ni Vice kay Wilbert, “Isa ka rin pala sa mga iyon, isa ka sa mga nanghusga sa aming tatlo.”

Paliwanag naman ni Wilbert, “Ako, naiintindihan ko yung mga taong nagdya-judge.

"Kasi before, wala pa ako sa showbiz, parang ako before, ‘Uy, si Vice nga baka syota niya si Ronnie, si Zeus,’ ganun.

"Nung naging Hashtags na ako, 'tapos nakilala ko kayo, nakilala na kita, parang ayun, parang ibang-iba sa perception ko pag nakikita ko kayo sa TV, sa social media."

Diin pa ng Hashtags member, “Hindi ko sila masisisi kasi hindi talaga nila magi-gets kung hindi ka talaga nila makikilala at kami din.”  


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN