Muling nagkita ang Kapamilya young actress na si Alexa Ilacad at ang kanyang iniidolong Kapuso star na si Marian Rivera.
Nagkita ang dalawa sa 49th Box Office Entertainment Awards na ginanap sa Resorts World Manila noong Mayo, ngunit nitong Sabado, June 30, lamang ipinost ni Alexa ang larawan nila ni Marian.
Sabi ni Alexa sa caption: “starstruck & speechless.”
Nagkomento rito si Marian ng tatlong "I love you" emojis.

Ikinatuwa naman ng mga kaibigang artista ni Alexa na sina Agot Isidro at Kisses Delavin ang muli nilang pagkikita ng kanyang idolo.


Unang nagkita sina Alexa at Marian sa 15th anniversary celebration ng YES! Magazine noong 2015.
