Angela Ponce "proud" to be the first trans woman to win Miss Universe Spain

Miss Universe Spain 2018 Angela Ponce is proud that her country has chosen her to wear the crown. Ponce is the first trans woman to win the national pageant and to represent Spain in the next Miss Universe pageant. 


Gumawa ng kasaysayan ang Spain sa larangan ng beauty pageant nang koronahan nito ang kauna-unahang trans woman bilang Miss Universe Spain ngayong taon.

Tinalo ni Angela Ponce ang higit sa 20 kandidata sa grand coronation na ginanap sa Palau Firal I de Congressos de Tarragona noong Biyernes, June 29.


Stories We Are Tracking

Trans woman wins Miss Universe Spain 2018
Trans woman wins Miss Universe Spain 2018

Pagkakorona kay Angela, tinanong siya ng host na si Harry Levi sa wikang Kastila: "What is your impression to be crowned as Miss Universe Spain?"

Sagot ng 27-year-old beauty queen, ang pagkapanalo niya ay nangangahulugan ng pagtanggap ng kanyang bansa sa mga miyembro ng third sex.

Layon din daw niyang ibahagi ang mensahe ng pagtanggap, respeto, at pagmamahal para sa kanyang mga kababayan.

Buong pahayag ni Angela, “Proud, proud that my country has chosen me tonight, a woman with a lot [of] history and universal.

“This speaks that we are inclusive people, and I will bring or send the message of inclusion, tolerance, respect, love for you and all as Miss Universe.”

Dahil sa kanyang pagkapanalo, si Angela ang opisyal na magiging kandidata ng Spain sa susunod na Miss Universe pageant.

Samantala, hati naman ang opinyon ng netizens sa pagkapanalo ni Angela; may mga sang-ayon at mayroon ding kontra dahil hindi raw siya natural-born woman.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN