Zanjoe Marudo confirms "getting-to-know" stage with 19-year-old surfer-model

IMAGE CTTO / @josie_prendergast on Instagram

Zanjoe Marudo says he now has time for love and is now "inspired" by surfer-model Josie Prendergast.


Kinumpirma ni Zanjoe Marudo na nasa “getting-to-know-each-other” sila ngayon ng 19-year-old surfer-model na si Josie Prendergast.

Unang lumabas ang balitang may espesyal na namamagitan kina Zanjoe at Josie nang lumipad patungong Siargao ang ABS-CBN actor para dumalo sa birthday celebration ng dalaga noong Hunyo.

Kumalat din sa social media ang sweet photo nila na kuha mula sa nasabing okasyon.


Stories We Are Tracking

Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?
Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?

Ngayong Martes, July 3, kinumpirma ng 35-anyos na aktor na inspirado siya ngayon.

"Ngayon, may time na dahil natapos ko na yung dalawang movies na ginagawa ko—itong Kusina Kings at To Love Some Buddy," pahayag ni Zanjoe, sa ulat ng ABS-CBN News.  

Dagdag niya, “Inspired ako ngayon.”

Tinanong si Zanjoe sa reaksiyon niya sa kumalat na sweet photo nila ni Josie.

“Kinikilig ako,” nakangiting sagot niya.  

Nang matanong sa estado ng relasyon nila, ani Zanjoe: "Getting to know, kasi bago pa lang naman kaming magkakilala."

Ang huling naging girlfriend ni Zanjoe, sa pagkakaalam ng publiko, ay ang aktres na si Bea Alonzo.

Pagkatapos nito ay na-link siya kay Bela Padilla, subalit hindi nauwi sa totohanang relasyon ang kanilang pagkakamabutihan.

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN