Alexa Ilacad confirms breakup of love team with Nash Aguas: "It's time for something new, it's time for a change."

IMAGE Instagram

Alexa Ilacad says she is no longer in communication with former love-team partner Nash Aguas. "I have his number, he has mine but we don't talk."


Kinumpirma ni Alexa Ilacad na buwag na ang love team nila ni Nash Aguas, ang NLEX.

Ikinalungkot ng NLEX fans ang nangyari, pero para sa Kapamilya young actress, mas mabuti nang tapusin ang kanilang love team kaysa patuloy silang manloko ng mga tagahanga.

Paliwanag ni Alexa, "Wala na, para kasing nagkaroon kami ng personal issues, pero okay kami.

"Hindi kami magkaaway o magkagalit or anything. 

"Naisip lang namin na ayaw naming manloko ng mga fans na kunwari super okay, smiling and all.

"Ayokong magpaasa, 'tapos one day biglang makikita na lang na wala na.

"Parang mas heartbreaking kasi yun, e. Fan din ako.

"Saka naisip namin, to be able to work professionally, mas masaya or mas madaling mag-work kapag 100 percent okay na lang.

"We chose it would be better for us also individually to try new things."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Alexa sa book launch ng celebrity makeup artist na si RB Chanco, ang RBeautified, na ginanap sa Manila House Private Members Club sa Bonifacio Glocal City, Taguig City, noong June 27.

Maraming proyektong pinagsamahan ang tambalang NLEX.

Una silang pinagsama sa teen-oriented show na LUV U. Sumunod dito ang Bagito at Teen Clash.

Huli silang nagsama sa prime-time series na The Good Son.

Hindi ba siya nalungkot o nakaramdam ng panghihinayang sa pagtatapos ng tambalan nila ni Nash?

Sagot ni Alexa, "No, ang dami na rin naming nagawa, naipakita.

"So, sabi ko, I think it's time for something new, it's time for a change."

Balitang ipinapareha ngayon si Nash kay Sharlene San Pedro, kung kaya nabuo na ang tambalang NashLene.

Reaksiyon dito ni Nash, "Okay naman, of course kahit naman ako i-partner sa iba, dapat okay lang din."

Hiningan din namin ng reaksiyon si Alexa sa balitang ang girlfriend daw ngayon ni Nash ay si Mika dela Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasama nila si Mika dati sa Goin' Bulilit at ngayon ay naglipat-bakod na ito sa Kapuso network.

Ayon kay Alexa, "Wala, okay lang. Well, I see them on Instagram, pero wala lang. 

"Actually, sa lahat ng nangyayari sa kanya, super out na ako. As in labas na ako sa usapan, so wala [akong reaksiyon]."

May komunikasyon pa ba sila ni Nash?

"I have his number, he has mine, but we don't talk," pag-amin ni Alexa.

NEW MUSIC. Sa ngayon ay abala si Alexa sa kanyang pag-aaral at pagbuo ng kanyang second record album, kung saan ang gusto niya ay all-original songs ang maging laman nito.

Saad niya, "Ang pinagkakaabalahan ko right now is yung pag-enroll ko sa college.

"I'm taking business administration major in marketing.

"I have my upcoming second album, nagsusulat pa ako, all-original songs and ako nagko-compose.

"Yung first album ko kasi may takot ako, may nerbiyos ako na baka di ko kayang magsulat.

"This time, kaya ko naman, e. I have my team behind me naman.

"Saka iba talaga pag gawa mo ang song mo, parang baby mo talaga siya.

"I wanted that feeling."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN