Andi Eigenmann on breakup with Emilio Arambulo: "We wanted different things."

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann says she and ex-boyfriend Emilio Arambulo have mutually decided to end their relationship because of personal differences.


Mutual decision ang breakup ng aktres na si Andi Eigenmann at non-showbiz boyfriend nitong si Emilio Arambulo pagkatapos ng higit dalawang taong relasyon.

Ito ang inihayag ni Andi sa premiere ng kanyang pelikulang The Maid in London, sa Robinsons Galleria, nitong Martes ng gabi, July 3.

Dito ay kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 28-anyos na aktres.

Ayon kay Andi, “I’m okay, I’m good and happy. I have friends and Ellie so I don’t need anyone.”

Si Ellie ay ang six-year-old daughter ni Andi sa dati niyang boyfriend na si Jake Ejercito.

Inusisa ng PEP.ph si Andi kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Emilio.

“We wanted different things," tugon niya.

“Walang nangyaring mali, but then we are at a point in our life that we want different things.

"And we’re only so young, so it’s okay to be that way."

Dagdag niya, "We’re still good friends, we love each other so much.

“Walang hard feelings. We still hang out sometimes.

"He still texts Ellie and ask if he could see her."

Unang nabalita ang pagdi-date nina Andi at Emilio noong 2006.

Ngayong linggo ay inamin ni Andi na single siya ngayon “by choice.”


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann breaks up with non-showbiz boyfriend Emilio
Andi Eigenmann breaks up with non-showbiz boyfriend Emilio

MOVIE PROJECT. Tungkol naman sa kanyang pelikulang The Maid In London, sinabi ni Andi na noong 2017 pa niya ito nagawa, bago pa siya nagdesisyong magpahinga mula sa showbiz.

“It’s a project I worked on and did last year.

“That was before I took a break from showbiz.

"I’m really excited, I kinda missed it also, so it’s so nice to be doing this again."

Sa tanong kung babalik na ba siya sa pagso-showbiz, nilinaw ni Andi na hindi niya iniiwan ang pagiging aktres, kundi ang pagiging celebrity.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN