Australian sports anchor calls Gilas players "imbeciles" over selfie photo

IMAGE Screen grab from Fox Sports Australia

Australian presenter Greg Thomson on Gilas Pilipinas' selfie after the brawl: "It's absolute faggotry and to add insult to injury, these muppets, these blinded imbeciles posed for a selfie when the officials are working out what the hell to do."


Matitindi, masasakit, at mabibigat ang mga salitang pinakawalan ni Greg Thomson laban sa mga miyembro ng Gilas Pilipinas dahil sa basket-brawl na nangyari sa pagitan ng Australia at Pilipinas sa FIBA World Qualifier sa Philippine Arena noong Lunes ng gabi, July 2.

Si Thomson ang presenter ng Fox Sports Australia na hindi napigilan ang emosyon sa Tuesday live edition ng programa niya.


Para kay Thomson, "lifetime ban" ang dapat ipataw na parusa sa players ng Philippine team na sumali sa kaguluhan.

"It’s absolute faggotry and to add insult to injury, these muppets, these blinded imbeciles posed for a selfie when the officials are working out what the hell to do.

"This is unbelievable! What the hell are they thinking?" ang hindi makapaniwalang sabi ni Thomson.

Paulit-ulit din niyang tinawag na "imbeciles" ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas.

Galit na galit siya sa selfie picture na sinimulan at idea ni Marc Pingris.


As expected, matindi rin ang resbak ng mga Pilipino na kinukuyog ngayon si Thomson sa social media dahil nasaktan sila nang husto.

Hindi nila matanggap ang panglalait at panghuhusga na ginawa ng Australian presenter sa Team Gilas Pilipinas.

BLAMING CHOT. Nakabalik na sa Australia ngayong umaga, July 4, ang players at mga coach ng Boomers.

Hindi rin magaganda ang mga salitang pinakawalan nila laban sa mga miyembro ng Philippine basketball team at sa head coach nitong si Chot Reyes.


Ang karanasan ng Boomers sa Pilipinas ang top story at headline ng halos lahat ng mga pahayagan sa Australia, tulad ng The Sydney Morning Herald at Herald Sun.

“Longley puts blame for Boomers basketball brawl on Philippines coach" ang headline ng The Sydney Morning Herald.

Si Luc Longley ang assistant coach ng Boomers at, ayon sa kanya, dapat mahiya si Reyes sa participation nito sa kaguluhan na nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“I've never seen anything like that, not even on YouTube.

"I do believe their coach Chot Reyes incited them to come out and thug us. There's video evidence of that.

"Then he substituted a thug out there, who took three or four cheap swings at 'Bubbles' [Goulding]," ang pahayag ni Longley sa mga reporter na naghintay sa pagdating niya sa Brisbane airport.

Sabi pa niya, "This is out of the party line but I'm most disturbed with their head coach.

"I think he was embarrassed by the way his team was playing. I think he was embarrassed by the shape they were in. I think he was embarrassed by how they fought.

"He wouldn't look me in the eye at the end of the game when I shook his hand.

"I think he was embarrassed and I think that's where a lot of it came from.

"If you listen to his diatribe after the game I think it verifies it. I'm upset with him more than anybody.

"To let his team take gangster selfies on the baseline after something like that, that shows a total lack of control and respect.

"As a coach, he shook my hand but he wouldn't look me in the eye. I thought that was poor form.

"He should take some responsibility for that on the spot and I think he's embarrassed," dagdag na pahayag ni Longley.

Ginamit niyang basehan at ebidensiya ang five-second YouTube video ni Reyes habang sinasabihan nito ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas ng “Hit somebody. Put somebody on his ass.”


Stories We Are Tracking

Netizens react to Pingris's
Netizens react to Pingris's "selfie muna bago ma-eject" post
Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN