James Blanco slams Australians amid Gilas-Boomers basketbrawl: "Bastos sila!"

IMAGE Noel Orsal

Hindi napigilan ng aktor na si James Blanco na maglabas ng kanyang emosyon dahil sa pambabastos daw ng ilang Australyano sa mga Pilipino, pagkatapos ng rambulang naganap sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa 2019 FIBA World Cup qualifier.


Hindi napigilan ng aktor na si James Blanco ang kanyang emosyon kaugnay ng mainit na usapin ngayon tungkol sa "basketbrawl" sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australian basketball team na Boomers sa 2019 FIBA World Cup qualifier.

Ginanap ito sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan, noong Lunes, July 2.

Ang pisikal na laro ay nauwi sa literal na salitang pisikalan at pag-init ng ulo ng mga player bago matapos ang third quarter.

Humantong ito sa rambulan ng mga manlalaro ng dalawang koponan.

Naging laman ng international news ang insidente at nagbigay ng kani-kanilang opinyon ang marami.

May mga tumuligsa sa inasal ng Gilas Pilipinas players at tinawag ng kung anu-anong masasakit na salita, at mayroon din namang nagtanggol sa mga ito.

Sa kanyang Instagram account kagabi, July 4, naglabas ng kanyang saloobin si James tungkol sa isyung ito. 

Mensahe ng aktor, “Alam nating lahat na tayong mga PILIPINO ay isa sa mga pinakamagaling makisama sa lahat ng lahi.

"Pero kung ihahalintulad tayo sa unggoy, hindi po ako papayag!

"Mababait ang mga PINOY, 'wag ninyo lang bustusin at hiyain sa sariling BANSA namin.

"Kahit kami’y mahirap na bansa, lalaban kaming samasama para lang ipagtangol ang ating LAHI.

"May hanganan ang kabaitan nating mga Pinoy! #huwagmagpaapi #labanmgapilipino.”

Kasunod nito, ibinahagi ni James ang naranasan niya at ng kanyang anak na babae noong nagbakasyon sila sa Australia nitong nakaraang Hunyo lamang.

Ayon sa aktor, habang naglalaro ang anak niya sa loob ng tren, may isa raw may edad nang babae na sinabihan ang kanyang anak na kung matumba ito at kanya raw pagtatawanan.

Kuwento ni James, “TANG AMA KAYO!!! Nuong nagpunta ako sa Australia last month dun ko nakita kung gaano sila kabastos!

"Bunso kong anak na babae nagsasaya lang sa train habang pauwi kame sa bahay ng kaibigan.

"May isang may edad na babae na sinabi sa anak ko na pag bumagsak daw siya pagtatawanan daw niya ng husto!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"BASTOS SILA!!! Tayong mga Pinoy pag may nakitang naglalarong mga bata sa kalye, ang lagi nating sinasabi ay mag ingat kayong mga bata sa paglalaro...

"YAN ANG PINOY, may malasakit lagi sa kapwa. Oo maganda at mayaman ang bansa ninyo, pero balahura kayo sa ibang lahi lalo na sa mga PINOY."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN