Jameson Blake draws flak over "shout out" as payment for artwork

IMAGE @hashtag_jameson on Twitter and Instagram

Jameson Blake explains request for free graphic artwork: "I'm not asking for a mind blowing graphic art. Something basic, and anyone willing to do me a favor without payment. No pressure, I'd appreciate it a lot!"


Hindi naging maganda ang dating ng hiling ni Jameson Blake na graphic artwork para sa cover photo ng kanyang social media accounts.

Sa pamamagitan ng Twitter post, nanawagan ang Hashtags member sa mga graphic artist na “willing” gumawa ng banner photo para sa kanyang social media accounts, na may username na Lucid Express.

Ayon sa kanyang post, pipiliin niya ang may pinakamagandang design.

Bilang kapalit, magbibigay raw siya ng “shout out” o pagbati sa kanyang napili sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Sa halip na makahanap ng magandang banner, batikos ang natanggap ni Jameson mula sa ilang netizens na nakakita ng kanyang post.

Karamihan sa mga pumuna ay nagsabing dapat bayaran ni Jameson ang graphic artist sa halip na shout out lamang.

Pero katuwiran ng Pinoy Big Brother alumnus, “I'm not asking that much. Just a basic graphic art for a profile.

"No one need to do it, only if you're willing to help me out I'd really appreciate it."

Sa sumunod na tweet, sinabi pa ni Jameson, “I'm not asking for a mind blowing graphic art.

"Something basic, and anyone willing to do me a favor without payment.

"No pressure, I'd appreciate it a lot!"




Nabura na ang mga tweet ni Jameson, ngunit hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang kanyang pakiusap sa social media.

Narito an ilang pang komento mula sa netizens:

May ilan ding sarkastikong nagbigay ng kanilang graphic artwork para sa hiling ni Jameson:

Sa kabila nito, tila ipinagkibit-balikat lamang ni Jameson ang mga negatibong reaksiyon sa kanyang request.

Sabi niya sa kanyang Twitter post, “Hope everyone has a great day ahead! Don’t let negativity ruin your day.”

Nakapili na rin siya ng libreng graphic artwork para sa cover photo ng kanyang social media accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang shout out niya sa gumawa ng napili niya:


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN