Zeus Collins swears no Hashtags member became Vice Ganda's boyfriend

IMAGE Rose Garcia

Zeus Collins on being linked to Vice Ganda: "Kasi, kahit sino naman ang lumapit kay Ate Vice, parang mapalapit ka lang, matsitsismis. Kahit nga yung mga kababata ko dati, tinutukso nila ako, 'Dyowa mo si Vice.'"


Kilalang malapit kay Vice Ganda ang mga miyembro ng Hashtags, ang all-male dance group kunsaan kabilang si Zeus Collins.

Inamin ni Zeus na noong umpisa, napapaisip din siya kung type nga ba siya ni Vice dahil sa mga biro raw nito sa harap ng camera sa noontime show nilang It's Showtime.

“Kasi sa Showtime… pero sa likod ng camera, hindi naman niya ako ginaganun.

“'Tapos noong kaibigan na namin, kaming Hashtags, nakita na namin ang ugali niya.

“Doon ko naisip na, 'Ay, hindi naman pala, sa TV lang.'

"Kahit sina Ronnie [Alonte] inaasar niya,” pahayag ng dancer-actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Umasa ba siyang magugustuhan siya ni Vice?

“Hindi naman ako umasa!” natawang sagot niya.

“Parang siyempre, Vice Ganda yun, di ba? Hindi naman.

“'Tapos yun, nagulat kami.

"Ako, nagulat ako na ganun pala ang ugali ni Ate Vice, sobrang bait.

"Talagang kaibigan siya na hindi ka iiwan.

“Doon ko napatunayan na hindi ka puwedeng basta-basta mag-judge ng ibang tao.”

Aware din daw si Zeus na may mga usap-usapan tungkol sa pagiging malapit ng Hashtags kay Vice, na kesyo may relasyon daw ang ilan sa kanila sa box-office star

Ngunit paglilinaw ni Zeus, wala sa kanila ang boyfriend ni Vice.

“Hindi, wala lang talaga.

“Kasi, kahit sino naman ang lumapit kay Ate Vice, parang mapalapit ka lang, matsitsismis.

"Kahit nga yung mga kababata ko dati, tinutukso nila ako, 'Dyowa mo si Vice.'

“So ako, sinasabi ko sa kanila, ipinapaliwanag ko sa kanila na iba yun.”

Paano nila naha-handle kapag nali-link sila kay Vice?

Tugon ni Zeus, “Wala lang. Kasi kami ang palagi niyang kasama.

"Kung rereplayan pa namin kung sino ang nagtsismis, wala lang.

"Kumbaga ngayon, iniisip ko, dahil nakadikit ka, matsitsismis ka.

“Pero dahil kilala mo nga siya, wala ka na lang paki.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala talagang nakarelasyon si Vice sa Hashtags?

“Sa Hashtags, wala," mabilis na sagot ni Zeus.

“Pumupunta talaga kami sa dressing room niya. Yun, hindi ko itatago yun.  

"Minsan nga, nagagalit si Ate Vice, 'Pupunta kayo rito, kukuha lang kayo ng pagkain.'

“O kaya kung may taping ang Showtime, 'tulad nung kasal ni Ate Anne [Curtis], ilang araw nag-taping, sinasamahan namin siya para hindi siya ma-boring.”

DANCE COVERS. Sanay na si Zeus sa pagrampa sa runway shows tulad ng Bench Under The Stars at Cosmo Bachelor Bash.

Nakagawa na rin siya ng ilang photo shoots tampok ang kanyang maskuladong katawan.

Ngayon daw, nagagawa niyang magpa-sexy sa ilang dance covers niya.

Saad niya, “Yung mga sexy na dance, dun, nagagawa ko.

"Sa movie, kung bibigyan ako ng trabaho, okey lang din, kasi trabaho yun.

"Pero kung alam ko na ang kalalabasan ng movie, e, hindi okay, hindi na muna siguro.”

Aminado naman si Zeus na may dating siyang parang nang-aakit tuwing nagsasayaw siya.

“Siguro ganun lang ako kapag sumasayaw.

"Gusto ko parang may pagka-Channing Tutum, Magic Mike yung dating, lalo na kung sumasayaw.”

Si Channing Tatum ang bida sa pelikulang Magic Mike, kunsaan gumanap ito bilang male stripper.

Sinasadya ba talaga ni Zeus na maging mapang-akit sa kanyang mga sayaw?

“Hindi, hindi ko sinasadya.

"Pero ako kasi talaga, mas nakakapag-express ako sa sayaw talaga.

“Lalo na kapag nakakarinig ako ng music, 'tapos nagugustuhan ko.”

Patuloy niya, “Ako talaga, kahit anong music ang iparinig mo sa akin, gagalaw at gagalaw ako.

“Parang addict na ako sa music na hindi ako nakakatulog, hindi ako nakakabiyahe na wala akong music.

“'Tapos yun, kapag nakakarinig ako ng medyo sexy dance, nakakaisip ako ng mga steps, dun ako nakakagawa ng mga dance covers.”

Napansin din ni Zeus na mas may hatak ang kanyang sexy dance covers kumpara sa ibang genre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakukumpara ko sa mga hip-hop kong sayaw.

"Kapag nag-a-upload ako ng mga hip-hop kesa dun sa mga pa-sexy na sayaw... sa views, comments, 'Bakit parang mas gusto nila yun?'

“Dito, pagod na pagod na akong kaka-tumbling. Dito, kumembot, gumiling lang ako, maraming views, maraming comments.”

LEADING MAN ROLE. Big deal daw para kay Zeus ang pelikulang Wander Bra na idinirek ni Joven Tan para sa Blue Rock Entertainment.

Si Zeus ang leading man nina Kakai Bautista at Myrtle Sarrosa.

Kapag nagta-transform na si Kakai sa pagiging super hero ay nagiging si Myrtle ito.

Kuwento ni Zeus, “Matagal ko nang kaibigan si Kakai.

“Nag-a-album tour si Maja [Salvador]. Kami ang back-up dancers nun ni Maja, yung grupo ko, ang City Guys.

“Kaya nung malaman ko na si Ate Kakai rin ang kasama ko, tuwang-tuwa ako kasi relax na ako.”

Okay lang kay Kakai na “ate” ang tawag niya rito?

“Hindi naman kasi nasanay na siguro siya. Kahit yung mga kagrupo ko, yun din ang tawag, e.”

Kahit daw kay Maja, hindi nila ito tinatawag na basta Maja lang.

“Yung tawag namin sa kanya, 'Ma’am.' 

'Ma’am, ano po ang sasayawin natin?' laging ganun.

"Pero ngayon, kapag nakikita ko siya, ayaw na niyang magpatawag ng 'Ma’am.'

“Pero kapag kausap ko siya, talagang 'Ma’am' pa rin ang tawag ko. Kasi nasanay na ako.”

Si Myrtle naman, unang beses pa lang daw niyang nakatrabaho kaya medyo naiilang pa siya rito noong umpisa.

Aniya, “Nagkailangan pa kami, lalo na nung may scene na parang sexy scene.”

Bakit may ilangan?

“Wala naman po, sa umpisa lang, kasi siguro hindi ko pa siya nakakatrabaho, 'tapos movie pa.”

Wala raw siyang kissing scene kina Kakai o Myrtle. 

“Sayang nga wala!” natawang biro ni Zeus. “Puro mga muntik-muntik lang.”

Kung meron, okey sa kanya ang kissing scene?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, kung ano ang ikakaganda para sa movie. Bakit pa ako mag-iinarte?  

"Ngayon nga, binibigyan ako ng blessing para magkatrabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN