Jameson Blake apologizes for free artwork request: "It was just a favor."

IMAGE @hashtag_jameson on Instagram

Jameson Blake says sorry after his request for free artwork became a big issue. "I was basically seeking volunteers, no one HAD to do it. I wasn't obligating anyone to make one. It was just a favor."


Humingi ng paumanhin si Jameson Blake sa hindi magandang mensaheng naiparating ng kanyang Twitter post kahapon, July 4.

Sa kanyang post, nanawagan ang Kapamilya actor kung sino ang “willing” gumawa ng cover photo para sa kanyang social media accounts.

Bilang kapalit, magbibigay raw si Jameson ng "shout out" sa taong gumawa ng mapipili niyang graphic artwork.

Hindi ito nagustuhan ng maraming graphic artists na nakakita ng kanyang tweets.

Katuwiran ng karamihan sa kanila, dapat ay bayaran ni Jameson ang graphic artist na gagawa ng kanyang cover photo sa halip na bigyan ito ng "shout out."


Stories We Are Tracking

Jameson Blake draws flak over
Jameson Blake draws flak over "shout out" as payment for art

Dahil naging viral at usap-usapan sa social media ang post niyang ito, nag-sorry si Jameson sa graphic designers na na-offend sa kanyang Twitter post.

Pahayag ng Hashtags member sa Instagram post niya ngayong Huwebes, July 5, “I apologize to all the graphic designers thinking I'm trying to degrade their art work for something little as a 'shout-out' I know graphic designing isn't an easy job and it requires a lot of work.

“I did not expect this would become a big issue.

“I was basically seeking volunteers, no one HAD to do it. I wasn't obligating anyone to make one.

“It was just a favor.”

Ang akala raw kasi ni Jameson, makatutulong ang shout out para mai-promote sa publiko ang artwork ng mapipili niyang graphic artist.

Aniya, “Probably a shout out would have done nothing but I could have returned the favor by promoting the artwork.

“Promoting in ways for the artwork to be known & exposed and you never know, people would actually like it.

“But if that's not the case, just simply ignore my tweet.

“Once again, I'm sorry and have no intention to look down on graphic designers and their artwork.”

UNAWA MUNA BAGO HUSGA. Samantala, suportado si Jameson ng kapwa niya Hashtags member na si Jon Lucas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad ng sinabi ni Jameson sa kanyang apology, tila naniniwala si Jon na malaking bagay ang shout out para sa promotion.

Aniya, “Di ba minsan para makilala yung business kailangan mo ng shoutout ng influencers? Or para mas mapromote?

“Tsaka ang sabi lang naman 'Kung sino may gusto'

“Makapag-trending lang ng ibabash eh, haaaaays! Unawa muna bago husga.”


Nabura na ang Twitter post na ito ni Jon. Pero muli niyang tweet, “Yung willing lang naman daw.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN