Andi Eigenmann does not desire a lot of money: "I'm okay with just enough."

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann says she does not regret turning her back on celebrity status: "...I realized that this is where I see my life."


Walang pinagsisisihan si Andi Eigenmann matapos niyang magdesisyong “iwan” ang showbiz noong nakaraang taon.

Noong October 2017, naibalita ang pagtalikod ni Andi sa buhay artista dahil hindi na raw siya masaya.

Madalas ngayon si Andi sa Baler, Aurora, kung saan namumuhay siya nang simple.

At kahit nag-promote siya last week ng pelikulang The Maid in London, na tinapos niya noong nakaraang taon, nilinaw niyang hindi ito pagbabalik-showbiz.

Handa raw siyang gumawa ng mga proyekto bilang aktres, pero hindi raw nito gusto ang city life.

Tanong sa 28-year-old actress, maraming naghahangad na matamo ang estado niya sa showbiz, pero bakit mas pinili niyang iwan ito?

“Hindi po ako masaya dahil po I felt it’s about time to go and explore and find myself, and I found myself in the island, and I realized that this is where I want to be,” paliwanag ni Andi sa premiere night ng The Maid in London, noong Martes, July 3.

“And I realized that this is where I see my life. It’s my dream, but then naisip ko I don’t have to wait for so long, I don’t have to wait till I’m old to do this. Puwede ko ‘tong ibigay sa sarili ko ngayon.”

Sa isang hiwalay na interview ay inihayag din ng aktres na ibinenta na niya ang kanyang luxury items, kagaya ng sasakyan, branded bags and shoes, at wala na rin siyang mga kasambahay.


Stories We Are Tracking

Andi finds genuine happiness after selling her luxury items
Andi finds genuine happiness after selling her luxury items

Ang sabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andi, isa siyang single mom at maaari siyang makaipon nang malaki sa pamamagitan ng showbiz.

Katuwiran niya, “I need to earn money to provide for my daughter, but I’m okay with just enough to do that."

Hindi raw niya kailangang mamuhay nang magara para sa kanya at kanyang anak na si Ellie.

“I don’t need all those unnecessary luho, kasi iyan ang mga materyal things na iyan, nawawala din naman iyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante, masaya, like me and my daughter, we don’t need toys for her to be entertained.

“We have the beach as our playground, and there’s so much to do.

Dugtong niya, “I’m a 90's kid, so I want to raise Ellie in a way na nakikita niya rin iyon or gano'n din ang pamumuhay niya, imbes na palaging sa cellphone.”  


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN