Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer

IMAGE @garyvalenciano on Instagram

Gary Valenciano talks about his new battle against cancer in an exclusive interview with Korina Sanchez on Rated K, which will air this Sunday, July 8.


Ilang buwan na ang nakalilipas matapos sumailalim si Gary Valenciano sa successful open heart surgery.


Stories We Are Tracking

Gary V undergoes heart surgery
Gary V undergoes heart surgery
Gary Valenciano
Gary Valenciano "getting better" after open heart surgery
Gary Valenciano
Gary Valenciano "getting stronger every day"

Marami ang umaasang kasunod nito ay makakabalik na agad ang tinaguriang Mr. Pure Energy sa kanyang regular shows, tulad ng weekly programs na Your Face Sounds Familiar Kids at ASAP ng ABS-CBN.

Sa eksklusibong panayam ng Rated K kay Gary, na mapapanood sa Linggo, July 8, isiniwalat ng local music icon ang dahilan kung bakit hindi pa siya maaaring bumalik.

“Mayroon pang ibang nangyari, mayroon pa silang ibang nadiskubre,” sabi ni Gary, na mapapanood sa short preview ng exclusive interview ni Korina Sanchez.

Kasunod nito ay ang shot kung saan sinabi ni Gary, “Pagkasabi sa akin ng doktor ay 'Mayroon kang cancer of the kidney.'”

Tila labis itong ikinalungkot ng singer dahil sa isang clip, sinabi ni Gary, “Gaano katagal pa? Kailan ba matatapos ang lahat?”

Samantala, kasunod ng paglabas ng preview ng interview ni Gary sa Rated K, inulan naman ng mensahe ang social media account ng singer.

Dahil dito, nag-post ang singer upang sabihin na, “I am now ok... and I'm ready to come back soon. Don't worry k?”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN