Iza Calzado reveals wedding preps

IMAGE @missizacalzado on Instagram

Iza Calzado talks about some of the preliminary preparations that she and her fiancé Ben Wintle are making for their upcoming wedding. The couple has not disclosed the actual wedding date yet.


Malapit nang ikasal si Iza Calzado sa fiancé niyang si Ben Wintle.

Kailangan na ba niyang tumigil muna sa pagtrabaho dahil sa nalalapit na wedding?

“At some point in time. One moment in time,” birong sagot ni Iza

“O, di ba? Kala niyo, ha.”

Anong preparations ang ginagawa niya ngayon?

“Basta preparations, di ba?

“Belo bride preparation,” hirit pa niya.

Kumpleto na ba ang line-up ng principal sponsors for her wedding?

Saad niya, “Yes, konti lang naman kasi.”

Ilang pairs ang set ng ninong at ninang sa kasal niya?

“Tatlo lang,” tugon niya.

“Actually, yung lalaki nga hindi ko pa alam, e.

“Kinu-kumpleto ko pa, e.”

Bakit konti lang?

Paliwanag ni Iza, “Ah, actually, ayaw talaga namin. Ayaw namin, sa totoo lang.”

Puwede bang i-reveal ang names ng principal sponsors na napili niya?

“Huwag na,” tanggi ni Iza.

“Si Juday pa lang ang ano, oo. Pumayag siya.”

Bakit si Judy Ann? Pati rin ba ng mister ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo?

“Yes,” pagkumpirma niya.

“Ah, because she’s somebody that I really look up to and we’ve been friends
naman since 2004.

“So, ang kailangan sa akin, may matagal na relationship.

“I also look up to her as a family woman. Alam mo yun?

“I’ve always felt her look out for me in this business.

“Parang dati meron siyang project, ipapasa niya sa akin.

“So, parang grateful ako doon.”

Sila pa lang ang confirmed?

Lahad niya, “Yung iba naman kasi hindi showbiz, you know.

“Confirm ko si Noel Ferrer, ninong ko.

“Actually, nagdududa pa ako kung kukunin ko talaga siyang ninong.”

Hindi ba nagulat si Judy Ann nang kunin nilang ninang sa kasal niya?

Sagot niya, “Hindi, ginawa rin naman nila kina Suzie [Entrata} and Paolo [Abrera], di ba?”

Meron ba silang kinuha ni Ben na wedding coordinator?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Meron, para hindi ako mabaliw.”

What about her wedding gown? Sino ang gagawa?

“Hmm... wala pa. Gagawin pa lang,” pakli niya.

Local designer ba?

“Lokal-lokal,” pabaklang sabi pa ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN