Bing Loyzaga on controversy-prone nephew Diego Loyzaga: "Medyo misunderstood lang."

IMAGE Noel Orsal

Bing Loyzaga explains why nephew Diego Loyzaga tends to be prone to controversies and online bashing: "Yung mga pinu-post niya kasi, minsan hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin. Nabibigyan lang ng maling interpretation ng ibang netizens."


Pagkatapos ng siyam na taon ay muling nagbabalik-Kapuso ang aktres na si Bing Loyzaga at kasama siya sa bagong teleserye ng GMA-7 na Kapag Nahati Ang Puso.

Makakasama niya rito sina Bea Binene, Sunshine Cruz, Benjamin Alves at Zoren Legaspi.

Masaya si Bing sa kanyang muling pagtapak sa GMA-7 dahil mainit ang pag-welcome ulit sa kanya ng mga station executives.

“Na-miss ko silang lahat.

“Kaya natuwa ako dahil hindi nagbabago ang pag-welcome nila sa akin.

“Kilala naman nila ako na kapag may offer sa ibang station, maayos akong nagpapaalam sa kanila.

“Noong i-offer sa akin ang teleserye na ito, tama lang naman na wala akong ginagawa ngayon.

“My last teleserye sa ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin, natapos yun noong January.

“So nagpahinga muna ako after that.

“Tamang-tama lang ang offer sa akin and gusto ko rin naman na gumawa ulit with GMA-7.

“My last teleserye here was in 2009 pa, Paano Ba Ang Mangarap? with Jennylyn Mercado and Mark Herras.

“So after nine years, this is a good comeback for me sa GMA-7,” masayang pahayag ni Bing sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng Kapag Nahati Ang Puso noong nakaraang July 6 sa GMA Network Center.

FULL KONTRABIDA MODE. Kontrabida ang role ni Bing sa naturang teleserye at ang pagpapakitaan niya ng pagiging bruha ay sina Bea at Sunshine.

“When they offered me this teleserye, akala ko mabait ang character ko dito, yung tipong nanay lang ng bida.

“Pero hindi pala. Bruha pala ako dito!

“Yung mga naunang taping days ko, nanlilisik agad ang mga mata ko kay Bea!” malakas na tawa ni Bing.

Dapat daw ay abangan ng marami ang mga confrontation scenes nila ni Sunshine dahil in full force daw ang pagiging bruha ni Bing sa mga eksena.

“Naku, nagbigay nga ako ng warning kay Sunshine at sa mga makakaeksena ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time ko pa naman to work with Sunshine at baka biglang ma-trauma sa akin.

“Kapag ganyang heated confrontation ang scene, I go with my emotions.

“Kaya ang mga kamay ko, lumilipad yan anywhere at baka may matamaan ako, may masagi akong babasagin.

“In short, kailangan ng ambulansya sa set!

“Kaya nire-request ko na may konting distansya kami ni Sunshine.

“Hindi ko alam ang mga mangyayari kapag na-carried away ako sa eksena!

“Baka duguan na si Sunshine, hindi ko pa alam!” tawa pa ulit ni Bing.

BED SCENE. Nagulat din si Bing sa bed scene nila ni Zoren Legaspi sa teleserye.

“Nagulat lang ako noong mabasa ko ang script, hala, may bed scene!

“Hindi ba nila alam kung gaano ako kalaki ngayon at bibigyan pa nila ako ng bed scene?

“It’s my first time din to work with Zoren, 'tapos may bed scene.

“Pero in-assure naman nila sa akin na essential iyon sa story at takip na takip ang katawan ko.

“Tawa lang kami nang tawa ni Zoren noong i-shoot namin yung scene.

“Imagine sa edad kong ito, nagawa ko pang mag-bed scene talaga!” tawa ulit ni Bing.

DIEGO'S ISSUES. Tinanong naman namin si Bing tungkol sa issues ng kanyang pamangking si Diego Loyzaga.

Naging mainit sa mga bashers si Diego dahil sa mga pinu-post nito at ang pagpatol pa nito sa mga bashers niya.

Ayon kau Bing, may pagkakataon na napagsasabihan din niya si Diego tungkol sa mga issues nito.

Nais niyang mag-ingat ito sa mga pinu-post sa social media at iwasan nito na sagutin ang kanyang bashers.

“Bilang tita niya ako, siyempre, concerned din ako sa mga nangyayari kay Diego.

“Most especially nitong mga nakaraang buwan na mainit ang mga netizens sa kanya.

“There is not much I can do but to just talk to him.

“Nandiyan naman ang mommy [Teresa Loyzaga, Bing's elder sister] niya para disiplinahin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I always tell him na ingatan niya ang image niya kasi he’s in showbiz.

“And yung mga pinu-post niya on social media at ang pagsagot niya, it will reflect on his character.

“Sa totoo lang naman, mabait si Diego. He’s a very respectful young man. Medyo misunderstood lang.

“Yung mga pinu-post niya kasi, minsan hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin.

“Nabibigyan lang ng maling interpretation ng ibang netizens.

“Kaya ang magandang gawin ay mag-ingat at kung puwede, iwas ka na lang, di ba?” diin pa ni Bing.

OWN SHARE OF PAST CONTROVERSIES. Inamin ni Bing na naging kontrobersyal din siya noong nagsisimula siya bilang artista at naintriga na rin ito ng ilang beses.

Pero dahil wala pang social media noon, nagagawang maitago ang lahat ng puwedeng maging negative sa career niya.

“Kasi malalaman na lang noon ng mga tao na may ganito akong issue kapag nabasa na nila sa magazine or sa mga tabloids.

“Hindi mo makikita sa isang video na tumatalak ako, di ba?

“Hanggang sa mga sinusulat lang ng mga reporters.

“Minsan kapag lumabas na yung issue, tapos na. Naayos na.

“Kaya hindi ganung kalaki ang impact.

“Very careful talaga kami noon. Unlike now, may mga pinu-post na videos na nakakaloka, di ba?

“Iba na kasi ang kabataan ngayon.

“Masyado silang obsessed sa social media at sila mismo ang nagiging biktima ng mga post nila,” makabuluhan niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN