Herbert Bautista defines special relationship with Kris Aquino: "Mataas na uri ng pagkakaibigan."

IMAGE Noel Orsal

Quezon City Mayor Herbert Bautista defines his relationship with Kris Aquino: "It's a special bond, e. Di kayo magboyfriend/girlfriend, di kayo barkada lang. Special—kaya nga ang sinabi ko, mutual respect. Mataas na uri ng pagkakaibigan."


Sa nakaraang presscon ng I Love You, Hater nung June 16 ay inamin ni Kris Aquino na naramdaman niyang idine-deny at hindi proud sa kanya si Mayor Herbert Bautista sa mga pagkakataong magkasama silang lumabas at nakita ng publiko.

Huling nakitang magkasama ang dalawa sa block screening ng pelikulang Kasal ng Star Cinema noong May 17.

Pagkaklaro naman ni Mayor Herbert, hindi raw totoong ikinahihiya niya ang ex-girlfriend.

Bagkus ay proud nga siya rito.

Ito ang ikinuwento ni Mayor Herbert sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraag launching ng libro niyang Bistek@50 Life In Full Color: The Herbert Bautista Biography at birthday treat na rin niya sa ilang entertainment press nitong nakaraang Biyernes, July 6, sa Amoranto Hall ng Quezon City Hall.

Pagklaro niya, “Hindi naman, baka interpretation niya lang yun.

“Proud? Aba sobra, oo!”

SPECIAL FRIENDSHIP. Nang tanungin kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Kris, nilarawan ng akalde na meron silang isang espesyal na samahan na mas pinalalim ng mutual respect nila sa isa't isa.

Paliwanag niya, “It's a special bond, e. Di kayo magboyfriend/girlfriend, di kayo barkada lang.

“Special—kaya nga ang sinabi ko, mutual respect. Mataas na uri ng pagkakaibigan.

“Maraming, maraming salamat sa kanya dahil yung panahon na binigay namin sa isa't isa, marami kaming natutunan.

“Naging moral booster siya sa akin, naging moral booster ako sa kanya at anchor yun ng isang matinding mutual respect.

“Maraming, maraming salamat sa iyo Kris, dahil iba, ibang klaseng tao."

Hiningan din ng reaksyon si Mayor Herbert sa nabanggit ni Kris na, “Mayor No More.”

“Baka ibang mayor yun?

“Kanina tinatanong ako kanina, di ba nauuso ang assassination?

“Ako hindi sa ano, wala akong nasaktan o natapakan pagdating sa serbisyo at wala akong nakaaway.

“Hangga't maaari lahat kaibigan ko, same answer to your question, hangga't maaari kaibigan ko ang lahat,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay inamin din ng alkalde na sa ngayon ay wala silang communication ni Kris.

“It's been a month or a month and a half na di kami nagko-communicate.”

ON GIDEON PEÑA. Nali-link ngayon si Kris kay Atty. Gideon Peña na minsan na ring naka-date ng TV host.

Ayon naman kay Mayor Herbert ay wala naman siyang masasabi tungkol dito.

“Siya kasi gusto niyang maging lawyer noong araw pa, kaya lang walang opportunity na makapag-aral siya.

“Kaya isa sa paborito niyang show ay yung Suits saka yung The Good Wife. Mahilig siya sa ganyan.

“Yung isang kasama naming konsehal, kaibigan siya [Gideon] o kaklase siya. Okay naman, mabait namang tao si Atty,” paninigurado niya.

NOT “USING” EACH OTHER. Dinepensahan din ni Mayor Herbert si Kris sa paratang ng iba na kaya lang daw binubuksan muli nito ang naging relasyon nila ay para lang may mapag-usapan dahil may pelikula itong isu-showing.

Pagklaro niya, “I don't think so, di naman.

“Parang ngayon, parang ginagamit ko naman siya dahil ini-interview niyo ako.

“May opportunity na tinanong siya about me, sasagot lang siya.”

Sa lahat ng mga ipinagtapat ni Kris tungkol sa naging relasyon nila mula sa marriage proposal hanggang sa pagbawi rito ni Mayor Herbert, ayaw na raw magkomento dito ng alkalde.

Lahad niya, “Kung ano na lang ang sinabi niya.

“Sinagot na rin niya yun kaya isa yun sa mga bagay na nagpapasalamat ako sa kanya.

“Yung credit card totoo yun, na-decline yung credit card ko dahil walang laman yun, e; kaya siya ang nagbayad.”

BIOGRAPHY. Mababasa ang ilang detalye tungkol sa buhay ni Mayor Herbert sa kanyang librong Bistek@50 Life In Full Color: The Herbert Bautista Biography.

Para sa alkalde, paraan ito para makilala ng mga tao kung sino talaga siya at ang mga papel na ginagampanan niya sa buhay mula sa pagiging anak, ama at isang public servant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Bihira sa tao ang umaabot sa 50.

“Pag nag-50 naman, walang pagkakataon na magkuwento sa kanilang buhay.

“Naisip ko, marami namang nangyari sa buhay ko simula nung ako ay ipinanganak sa mundong ito hanggang sa nag-50 ako, so maraming mga lessons na natutuhan.

“Interview ako, sinulat nila, yun ang unang-una bago sinimulan ang libro.

“In-interview muna nila ako about my life and then saka sila nag-research, in-interview nila yung mga resource persons.

“Si Sarge Lacuesta ang aming over all. Para lang ano, alam din ng mga bata king sino si Herbert Bautista.

“Sa tatlong chapters, yung kulay buhay, buhay anak, buhay tatay, kulay showbiz, buhay showbiz.

“Pero in between, nagsasanga-sanga yun—working student ka, nasa gobyerno, habang nagte-taping, nagsyu-shooting, sanga-sanga na siya.

“Lovelife? Mayroon siyempre, pero manipis na manipis lang yun.

“Siyempre naman ang nagbibigay buhay at nagbibigay kulay sa buhay ay pag-ibig.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN