Ellen Adarna's lawyer denies delaying tactics; confirms actress has given birth on June 27

IMAGE Instagram / Rachelle Siazon

Ellen Adarna's lawyer, Atty. Rebo Saguisag, confirms to the press that the sexy star has given birth to her child with John Lloyd Cruz last June 27. This is the reason, according to the lawyer, why Ellen has failed to attend the hearings for the child abuse and cybercrime complaints filed against her by Myra and Roel Santos.


Muling nagtungo sa Pasig Prosecutor's Office ang abugado ni Ellen Adarna na si Atty. Rene "Rebo" Saguisag ngayong Lunes, July 9.

Ito ay upang magsumite ng counter-affidavit sa reklamong child abuse at cybercrime na isinampa laban sa kanyang kliyente nina Myra at Roel Santos.

Sina Myra at Roel ang mga magulang ng teenager na inakusahang "paparazzi" ng sexy star.

Hindi pa rin nakadalo si Ellen kanina dahil ayon mismo kay Atty. Saguisag, kakapanganak pa lang ng aktres noong June 27.

Pinabulaanan din ng abugado na tinangka nilang i-delay ang proceedings sa Prosecutor's Office, kundi dahil manganganak na kasi ang kaniyang kliyente noong panahong yun.

Pahayag ni Atty. Saguisag sa panayam sa kanya ng News5 reporter na si MJ Marfori, "Actually, after that hearing, nung sinabi namin, two days after, nanganak na siya.

"So, talaga pong ano naman na wala kaming dahilan, sinasabi nila na... wala kaming dahilan...

"Well, maybe, delay, for her to be able to have a safe delivery and in due time...

"E, mahirap ibiyahe yung sanggol.

"Pero kung tatagal sana yung pag-file ng rejoinder... baka...

"Gusto nga niyang humarap, e.

"It will give time for us to file a rejoinder, e.

"Yun po ang sagot sa reply kung sakali..."

Gaganapin ang next hearing sa July 16, pero hindi pa rin daw makakadalo si Ellen, na kasalukuyang nasa Cebu at nagpapahinga pagkatapos magsilang.

Ngunit kapag naiakyat na ang reklamo sa Regional Trial Court (RTC), kailangan nang humarap sa korte ng sexy actress.

Noong June 29, unang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nanganak na si Ellen sa panganay nila ni John Lloyd Cruz noong June 27 sa isang pribadong ospital sa Cebu.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna no-show at hearing due to doctor's advice
Ellen Adarna no-show at hearing due to doctor's advice
Mom of teen netizen disappointed at Ellen Adarna's no-show
Mom of teen netizen disappointed at Ellen Adarna's no-show


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN