Ex-PBB housemate Fifth Solomon rants against "disrespectful" mom of male celeb

IMAGE @fifthsolomon on Instagram

Ex-Pinoy Big Brother: All In housemate Fifth Solomon took to Twitter to rant about the mother of a male celebrity who allegedly disrespected him.


“Pag nasa tama kayo!!! Lavaaaan!”

Ito ang bahagi ng panawagan ng Pinoy Big Brother: All In ex-housemate na si Fifth Solomon matapos umano siyang bastusin ng ina ng isang male celebrity.

Inilabas ni Fifth ang kanyang sama ng loob sa pamamagitan ng sunud-sunod na tweets noong Biyernes, July 6.

Nangyari raw ang insidente sa isang "inuman" kung saan binastos daw siya ng isang tao.

Hindi pinangalanan ni Fifth kung sino ang kanyang nakasagutan, pero nagbigay siya ng clue.

“Sa nanay ng celeb (guy) na ito, nagkamali ka ng binastos mo.”

Sabi pa ni Fifth, “Kaya kayo! Pag nasa tama kayo!!! LAVAAAAN! Lifes too short to say nothing!”



Ibinunyag din niya kung ano ang ikinagalit niya sa ina ng male celebrity.

Sinabihan daw siya nito nang harap-harapan na wala itong tiwala sa kanya.


Matapos makalma, isang tweet ang ginawa ni Fifth upang humingi ng sorry sa kanyang pagra-rant.

“I’m in a rollercoaster of heavy emotions these past few days,” pag-amin niya.

Burado na ngayon ang tweets ni Fifth, na lumikha ng ingay noong aminin niya sa PBB: All In edition (2014) na isa siyang bisexual. 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN