Coco Martin personally visits Gary Valenciano

IMAGE @mrcocomartin on Instagram

Coco Martin shows support to Gary Valenciano, who sang the theme song of his long-running prime time series FPJ's Ang Probinsyano. "Ikaw at ang mga kanta mo ang inspirasyon namin," says Coco about Gary.


Nagpakita ng pagsuporta si Coco Martin sa kapwa Kapamilya artist na si Gary Valenciano sa pamamagitan ng personal na pagdalaw rito.

Ilang oras matapos umere ang eksklusibong panayam ni Gary sa Rated K kagabi, July 8, nag-upload ang FPJ's Ang Probinsyano star ng kanyang larawan kasama ang tinaguring Mr. Pure Energy ng showbiz.

Sa comment, sinabi ni Coco kay Gary, “Mahal na mahal ka namin! Ikaw at ang mga kanta mo ang inspirasyon namin. God bless you always, Kuya Gary.”

Tugon naman ng Your Face Sounds Familiar judge, “Maraming maraming salamat sa pagbisita mo sa akin kanina Coco. Napasaya mo ang lahat sa pamamahay namin.

"We love you Coco. I pray God gives me more music that I can sing for your teleseryes.

"God bless you, my friend. I'll see you again soon.”


Ang version ni Gary ng “Wag Ka Nang Umiyak” ang ginamit na theme song ng long-running prime time series ni Coco na Ang Probinsyano.

Ang original song na ito ng Sugarfree ay mas naging popular sa maraming Pilipino dahil sa version ni Gary.

Samantala, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, nagpasalamat si Gary sa mga nagpaabot ng mensahe kaugnay ng kanyang kalagayan.

Aniya, “Just wanted to thank everyone for watching and allowing me to share my story on Rated K.

“Yes it was a struggle but like I said to many 'your prayers have been answered'

“Tnx to everyone who genuinely cared for me. Now it’s time to move on and come back. I love you all. #RatedK”

Matapos ang successful open heart surgery niya noong Mayo, nalaman ni Gary na mayroon siyang cancer of the kidney.

Agad siyang sumailalim sa ilang series of tests at operasyon kaya madaling naagapan ang “very early stage” ng cancer sa kanyang kidney.

Kasalukuyang nagpapagaling si Gary bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Gary speaks up about hurdling kidney cancer, heart ailment
Gary speaks up about hurdling kidney cancer, heart ailment
Gary Valenciano says he is cleared of cancer
Gary Valenciano says he is cleared of cancer
Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer
Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN