Jolo Revilla still loves Jodi Sta. Maria despite breakup

IMAGE Allan Sancon / Noel Orsal

Kumpirmadong naghiwalay na ng landas sina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria pero nananatili naman daw silang magkaibigan. 


Kumpirmado nang hiwalay si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ABS-CBN actress na si Jodi Sta. Maria.

Pero hanggang ngayon ay umiiwas pa rin ang actor-politician na magsiwalat ng detalye ng kanilang paghihiwalay.

“Basta. I’d rather not talk. I said my piece,” pahayag ni Jolo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media sa The Eddys 2018 Awards Night na ginanap sa The Theatre at Solaire, Parañaque City, kagabi, July 9.

Bakit ayaw niyang pag-usapan ang kanilang hiwalayan?

Tugon ni Jolo, "Dahil siyempre, unang-una, hindi naman kami naging vocal dun sa relationship. Hangga’t na inamin niya.

"Pero wala akong masasabi sa kanya. I still love her."

Magakaibigan pa rin ba sila?

Maiksing tugon niya, “Basta, we are okay.”

Sa panayam naman ni Jolo sa ABS-CBN News, dalawang linggo na ang nakararaan, sinabi niyang naging malaking bahagi ng kanyang buhay si Jodi.

Kuwento pa niya, “All I can say is Jodi brought out the best in me.

"She made me a more responsible person. Mahal ko yun."

Dagdag pa ng FPJ's Ang Probinsyano star, "I take it one step at a time. I’ll focus on myself this time.

"Naniniwala ako na si Lord na ang bahala kung saan kami humantong.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN