Mayor Richard Gomez on recent killings of local officials: "Kailangan labanan mo talaga ang drugs, e."

IMAGE Jerry Olea

Mayor Richard Gomez aims to sustain peace situation after making Ormoc City drug-free in 14 months.


Sa sunud-sunod na pagpatay sa city officials sa bansa—kabilang na sina Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas; Mayor Ferdinand Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija; at kay Trese Martires Vice Mayor Alex Lubigan—marami ang nag-aalala sa kaligtasan ng mga nakaupong opisyal ngayon.

Nagbigay ng pahayag ukol dito si Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Ayon sa actor-politician, "Well, kailangan talaga ingat parati.

"And more than that, as a mayor, kailangan labanan mo talaga ang drugs, e.

"Katulad ko as mayor, I always say this, in 2010 hanggang sa nung tumakbo ako, Ormoc talaga was considered to be the drug capital of Eastern Visayas.

"During nagkakampanya kami, yun ang kalaban namin sa narco-politics in our place, grabe yung drugs sa aming lugar."

Patuloy ni Richard, "I'm most proud to say, when I became mayor, yun agad ang trinabaho namin.

"And after 14 months, Ormoc City became drug-free.

"After less than a year, Ormoc became the safest city in our country.

"And in 2018, we were declared by the PNP as the safest city in our country.

"Ang sa amin, to sustain and maintain yung peace situation namin."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Goma (palayaw ni Richard) sa  media launch ng "gadgetaed.ph" at "dear nanay" infomercials ng Philippine Heart Association, sa Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong City, noong July 5.

Tinanong din si Mayor Richard na sa magandang record niya ba ngayon bilang public servant at kung may plano ba siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na 2019 election.

Sagot niya, "Hindi, sabi ko sa kanila, marami pa akong dapat ayusin sa Ormoc City, so I'll stay in Ormoc City.

"Kailangan ma-sustain yung programa namin sa Ormoc."

ANG PROBINSYANO IN ORMOC? Recently ay nagkapalitan ng mensahe sina Richard at Coco Martin sa social media kunsaan nagsabi ang alkalde na nami-miss na niyang makatrabaho ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami tuloy ang nagtatanong kung may tsansa kayang mag-taping ang Ang Probinsyano sa Ormoc.

Ani Richard, "As a mayor of Ormoc, I have to be in Ormoc most of the time, kaya na-set aside yung paggawa ko ng TV show or movie.

"Siyempre nami-miss ko rin sila Coco, yung ginawa namin na last na teleserye, masaya yung samahan namin.

"I'm very happy now sa success ni Coco and I'd like to thank him for communicating with me kasi matagal na kaming di nagkikita."

Dugtong niya, "Hopefully, depende sa ABS-CBN. Kung gusto nilang mag-shoot sa Ormoc, anytime welcome sila talaga doon."

Ngyong hindi na tuloy ang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie, marami ang nag-aabang kung kailan magtatambal muli sa isang pelikula sina Sharon at Richard.

Bukas naman daw ang aktor na muli silang magkatambal ng Megastar.

Kuwento niya, "Actually tonight, I'm meeting with Star Cinema.

"Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin, hindi ko alam kung ano ang ipre-present nila sa akin.

"Kung anuman ang magiging resulta ng meeting namin mamayang gabi, I'll let you know right away.

"Definitely, I look forward working with her, and sana matuloy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN