Kris Aquino posts message for ex-husband James Yap 13 years after their civil wedding

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Kris Aquino to ex-husband James Yap: "13 years ago today we made a commitment. BUT fate took us in different directions."


Ngayong araw, July 10, 2018 ang 13th wedding anniversary sana nina Kris Aquino at James Yap.

Noong July 10, 2005 ginanap ang civil wedding nina Kris at James sa bahay ng dating business manager ng TV host-actress na si Boy Abunda sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Martes, inalala ni Kris ang naganap na pag-iisang dibdib nila ni James.

Sabi ng TV host-actress, “13 years ago today we made a commitment.

“BUT fate took us in different directions.

“Yet together we produced 1 of my 2 greatest achievements aka BIMB..."

Sa huling bahagi ay nagpaabot ng mensahe si Kris para sa dating asawa at sa bagong pamilya nito.

"I sincerely wish you & your growing family peace & lasting happiness."

Base sa kanyang ginamit na tags, tila ginawa ito ni Kris para sa anak nila ni James na si Bimby: "#anythingandeverythingformybunso"

Dagdag pa niya, "#peaceinmyheart"

Wala mang direktang pangalang binanggit si Kris, malinaw na si James ang kanyang pinatutungkulan.

Kalakip ng mensahe niyang ito ang sumusunod na quote cards:

"She is at a place in her life where peace is her priority and negativity cannot exist."

"PEACE in our hearts, in our home, in our world."


Ilang linggo bago ito ay pinatutsadahan ni Kris si James sa Instagram pagkatapos batiin ng PBA player si Bimby sa kaarawan nito.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore
Kris Aquino reveals why James does not see Bimby anymore
Kris calls James
Kris calls James "abusive hypocrite," "fake," "user"
Kris Aquino continues to take a swipe at James Yap
Kris Aquino continues to take a swipe at James Yap
James sees nothing wrong greeting son Bimby on his birthday
James sees nothing wrong greeting son Bimby on his birthday


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN