Atty. Gideon Peña answers question for Kris Aquino: "We're just good friends."

IMAGE James Patrick Anarcon

Kris Aquino was joined by lawyer-friend Atty. Gideon Peña during the premiere night of her comeback movie I Love You, Hater yesterday, July 10. When Kris was asked about their relationship, Atty. Peña answered, "We're just good friends."


Kasamang dumating ni Kris Aquino ang nali-link sa kanyang si Attorney Gideon Peña sa premiere ng pelikulang I Love You, Hater sa SM Megamall nitong Martes ng gabi, July 10.

Kung ang ibang artista ay dumaan sa red carpet, sina Kris at Atty. Peña ay nanggaling mula sa likod ng SM Cinemas matapos makapasok ng guests sa Cinema 7.


Nang makarating sila sa kanilang mga upuan, sandaling nakausap si Kris ng media, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tungkol sa kanyang kasama.

Natatawang sabi ni Kris, "He's not my date, he's just my friend!"

Nang matanong naman si Kris kung ano ang namamagitan sa dalawa, sagot niya, "No..."

Bigla namang nagsalita si Atty. Peña at sinabing, "We're just good friends."

Sabi ni Kris sa kanya, "Oh, thank you for answering! Siya na yung sumagot."

Patuloy na sagot ng TV host-actress, "And ano, wala, he really just came here to... wala lang. "

Napansin naman ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe na parehong nakaitim ang dalawa, at tila matched ang damit nila.

Napatingin muna si Kris sa kanilang damit at saka siya natawa at sumagot, "Wala lang. Nagkataon."

Pahayag pa ng I Love You, Hater actress, "I guess ano, I'm a client because he's handling some of the work already for some of my brands."

Nang kunan naman ng litrato ang dalawa ay tumingin muna si Kris kay Atty. Peña at saka ngumiti.




Pagkatapos ng premiere night ay magkasama pa rin ang dalawa na umalis ng SM Megamall.


Unang na-link si Kris kay Atty. Peña nang mag-guest ang lawyer-professor sa online show ni Kris na Unscripted With Kris.

Ang naturang episode ay nagsilbing get-to-know-each-other para sa dalawa.

Dito rin nag-umpisa ang panunukso ni Kris sa abugado sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit noong June 29, nilinaw ni Kris na magkaibigan lamang sila ni Atty. Peña.

Noong July 7 naman ay nag-post si Kris sa Instagram ng pasasalamat para sa "genuine concern, friendship, respect, and trust" na ipinapakita ng abugado sa kanya.

Pagkatapos ng ilang oras ay nag-post din si Atty. Peña sa Instagram kung saan sinabihan niya ang TV host ng: "True #friends don’t leave even in the darkest of times."


Stories We Are Tracking

Atty. Gideon Peña assures Kris Aquino of true friendship
Atty. Gideon Peña assures Kris Aquino of true friendship
Kris posts message of gratitude to lawyer-friend
Kris posts message of gratitude to lawyer-friend
Kris Aquino dismisses alleged brewing romance with lawyer
Kris Aquino dismisses alleged brewing romance with lawyer


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN