Gilas player Terrence Romeo figures in bar fight in Quezon City

IMAGE Courtesy: @tbvrome07 on Instagram

Nanindigan si Gilas Pilipinas player Terrence Romeo na wala siyang ginawang mali sa nangyaring insidente sa labas ng isang bar sa Quezon City ngayong Huwebes ng umaga, July 12. Nagkaayos na rin daw ang dalawang kampo kaya hindi na dapat palakihin pa ang pangyayari.


Muling nasangkot sa isang gulo ang Gilas Pilipinas player na si Terrence Romeo.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa harap ng isang bar sa Quezon City ngayong Huwebes ng umaga July 12.

Sa video na ipinost ng Super Radio DZBB sa Facebook, makikitang habang nagkakagulo, may isang lalaking nagsabing, "Si Terence ang videohan mo.”

Makikita ring ineskortan si Terrence ng mga pulis ng Quezon City Police Department Station 10 habang papalabas ng istasyon.


Sa panayam dito, sinabi ni Terrence, “Ano po ano, ito lang po ang sasabihin ko, check niyo lang po yung CCTV, then pagkatapos niyo po i-check yung CCTV sa Guilly’s [Night Club], tsaka niyo ako balikan. Okay. Thank you.”

Ayon naman sa grupong nakabanggaan ng grupo ni Terence, nagkaayos na sila.

Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News Online, sinabi ng isang nakausap nilang babae na magpapa-picture lamang daw ang grupo nila kay Terrence bago umuwi mula sa bar nang may biglang sumapak sa kanyang mister.

Lahad ng nagngangalang Clarissa Cabrera, "Una po, nakapagpa-picture na kami kina Terrence.

"Pangalawa po, pauwi na kami, nagpapaalam na po kami para magpa-picture ulit.

"Nagulat na lang po kami may bigla pong sumapak hanggang sa nagkagulo na po."

Nagkausap na raw ang magkabilang kampo at napagpasyahang wala nang maghain ng reklamo.

"NO NEED TO MAKE A FUSS." Matapos ang ilang oras, sinabi ni Romeo na hindi na kailangan pang palakihin ang insidente.

Hindi rin daw siya nakulong at pinanindigang wala siyang ginawang masama. 

Saad niya sa kanyang tweet, "I'm in my house right now. I'm not held up in any prison or station.

"No need to make a fuss. Watch the CCTV I believe its somewhere in social media right now.

"I didn't do anything. Let the video speak for itself.

"Anyway both camps are okay naman na. Goodnight."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang linggo, kasali si Terrence sa mga player ng Gilas Pilipinas na nakipagrambulan sa Australian basketball team sa ginanap na 2019 FIBA World Cup qualifier.


Stories We Are Tracking

Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Vice tweets amid Gilas-Boomers brawl; Romeo blasts critics
Netizens react to Pingris's
Netizens react to Pingris's "selfie muna bago ma-eject" post
Australian sports anchor calls Gilas players
Australian sports anchor calls Gilas players "imbeciles"
Gary, Bianca, Karen, other celebs react to
Gary, Bianca, Karen, other celebs react to "basketbrawl"


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN