Kristoffer Martin calls out IG followers over sleazy questions: "Ang dadami ring bastos."

IMAGE @kristoffermartin_ on Instagram / Noel Orsal

Kapuso actor Kristoffer Martin on sleazy questions thrown at him by his Instagram followers: "Yayaman po ba Pilipinas dito mga ser?"


Hindi naitago ni Kristoffer Martin ang pagkadismaya sa mga bastos na tanong sa kanya ng ilang netizens nang magpa-question-and-answer activity ang Kapuso actor via Instagram Story.

Nitong Miyerkules, July 11, hinikayat ng Kapuso actor ang kanyang followers na magtanong sa kanya at sasagutin niya ang mga ito.

Ipinost niya ang mga tanong ng netizens, pati na yung mga bastos.

Sinagot pa rin niya ang mga ito, pero halatang hindi nagustuhan ni Kristoffer ang mga tanong. 

Sa pinakahuling IG Story niya, mababasa ang mga katagang “Yoko na daming bastos.”


May isang netizen ang nagtanong kung may karanasan na siya sa gay.

Sagot ni Kristoffer, “ano po nakukuha natin sa tanong na to??”

May nagtanong din sa kanya ng “magkano ka?”

Sagot ng aktor, “TF [talent fee] po ba sinasabi niyo ser?”

 

May nagtanong din sa kanya kung sex ba o chocolate.

Ani Kristoffer, “What’s with this question? Uso kaya itatanong? Dami kong rants. K bye.”

May nang-usisa rin kung virgin pa siya.

Reply ng aktor, “Ikayayaman ba ng Pilipinas tong tanong na to?

"Bat may mga taong ganto magtanong? Self pleasure? Angat naman tayo ng konti.

"Wag bastos.”

 

Isa pang tanong na hindi niya nagustuhan: “how big?”

Ani Kristoffer, “Ang alin? Bakit parang may bastos?”


Kasunod nito, nag-tweet si Kristoffer tungkol sa isang grupo na aniya ay "pinakasensitive pero ang dami ring bastos."

Hindi naman niya tinukoy kung sino ang tinutukoy niyang grupo.

Tweet ng 23-anyos na Kapuso actor, “Sila yung pinakasensitive na group pero ang dadami ring ang babastos.

"Ano nakukuha natin sa mga tanong na, 'malaki ba?' 'Magkano ka isang gabi?' 'Top or bottom?' 'Daks ka ba?'

"Yayaman po ba Pilipinas dito mga ser?"


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN