Liza Diño affirms support for President Duterte amid comments on God: "You just have to accept that's him."

IMAGE Noel Orsal

Liza Diño on President Duterte's controversial statements about God: "You just have to accept that's him, iyan na siya. Iyam ang Presidente natin. I-appreciate natin ang magaganda niyang nagagawa."


Kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Liza Diño at ang asawa niyang si Ice Seguerra.

Simula pa lang sa kampanya para sa 2016 Presidential elections ay naging visible na ang dalawa.

Kahit noon pa man, maraming batikos na ang natatanggap ng Pangulo na, kadalasan, ang mga binibitawan nitong salita ang pinag-uugatan.

Kamakailan lang ay naging mainit na naman ang reaksiyon ng publiko matapos magbitiw ni Pangulong Duterte ng mga pahayag na may kinalaman sa Diyos at Simbahang Katolika.

Si Liza ay nagsisilbing chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at isang appointee ni Pangulong Duterte.

Bilang isang Kristiyano, ano ang naramdaman niya na ang Diyos na mismo ang kinukuwestiyon ng Pangulo?

“I think, we all have our own beliefs and it’s coming from a place of personal truth, and I will not impose my belief on anyone and I will stand up for what I believe in.

“So, it’s not my place to tell him na ganito dapat. Kasi, yun din ang ayokong gawin sa akin.”

Pero ang debate ay presidente ng bansa si Duterte.

“Yes, but he’s also human,” sagot ni Liza.

May nagpahayag na hindi porket Presidente, kailangang maging role model. Agree ba siya rito?

“Well, ano muna ang konteksto natin ng role model sa isang tao?

"Siguro ako, at this age, it’s really hard to tell him what to do.

"He’s 72. I don’t know if nandun tayo sa... if he’s even thinking about that.

“So ako, parang there’s a point that you just have to accept that’s him, iyan na siya. Iyan ang Presidente natin.

"I-appreciate natin ang magaganda niyang nagagawa.

“Kung meron mang hindi, punahin yun, and I think, we have free speech naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa ginanap na announcement ng mga kalahok sa ikalawang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa Sequoia Hotel, Timog, Quezon City, noong July 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FACIAL MASK. Naugnay ni Liza ang isyu niya ng pagsusuot ng facial mask sheet sa isang meeting sa mga negatibong isyu ngayon kay Presidente Duterte.

Saad ni Liza, “I think malaking reason kung bakit lumaki itong issue na ito sa facial mask is the political leanings of people.

“Puwede kaming gawing foster child ng mga hindi nila naa-appreciate na nagtatrabaho sa gobyerno.

“But with us, we just work, e. If there’s one thing that we appreciate about the President, hindi kami pinapakialaman.

“You know, if there’s one really undeniable about it, he never stops working.

"He is always anywhere and everywhere na kailangan niyo siya, lalo na pagdating sa mga sakuna.”

Ayon pa kay Liza, ito ang nagiging inspirasyon niya para patuloy na magtrabaho.

Hindi ba nababawasan ang paghanga niya sa Pangulo, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang tungkol na sa Panginoong Diyos?

Tugon ni Liza, “Honestly, kung yung sa facial mask nga umabot na ng ganito, what more pa kaya ang ibang kawani ng gobyerno na puwedeng ma-misinterpret?

“I cannot speak for his speech.

“I cannot give an opinion regarding his perspective about religion.

"Pero para sa akin, I’m doing my job and I’m doing it well because I know na yun ang ina-ask talaga sa amin right now ng administrasyon.”

Bilang kilalang supporter ng Pangulo, hindi naman daw siya yung mali na gagawin pa rin tama.

“Of course not,” pakli ni Liza.

“Siguro nandun ako sa, yun nga, I’m too concentrated on my own, on the things that I need to address in my own industry.

"Sobrang grabe na kasi talaga ngayon ka-toxic sa social media.

“Hindi mo na talaga alam kung ano ang katotohanan. May sinabing ganito, may sinabing ganyan.

“So for me, as long as I know what we are doing is really for the service of the industry and for the benefit of our audience, for the benefit of the Filipinos all over the Philippines and the world, I think nandun kami ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN