Deniece Cornejo rape charges against Vhong Navarro junked by DOJ

IMAGE Facebook / Noel Orsal

The Department of Justice says Deniece Cornejo "suffers from a very serious credibility issue [due to] major inconsistencies" in her complaint affidavits. Deniece filed rape charges against TV host-actor Vhong Navarro in 2014.


Tuluyan nang ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host-actor na si Vhong Navarro.

Base sa desisyon ng DOJ, hindi nila pinayagan ang apela ni Deniece na baligtarin ang naging review resolution ng DOJ Prosecutor's General noong September 6, 2017.

Matatandaang binaligtad ng DOJ prosecutors ang naunang rekomendasyon ng korte na kasuhan ng panggagahasa ang Its’ Showtime host.

Noon pang April, 30, 2018 inilabas ng DOJ ang desisyon tungkol sa kasong ito, ngunit nito lamang Huwebes, July 12, nakakuha ng kopya ang ABS-CBN News.

Base sa 20-pahinang desisyon ng DOJ, walang matibay na ebidensiya ang kampo ni Deniece upang sampahan ng kasong rape si Vhong.

Nakasaad sa desisyon, “[There is] no sufficient evidence to warrant indictment for rape and attempted rape, there is no compulsion to indict him accordingly.”

Dagdag pa ng DOJ resolution, “[Cornejo] suffers from a very serious credibility issue [due to] major inconsistencies” sa kanyang tatlong pahinang complaint affidavits.

Inihabla ni Deniece si Vhong ng kasong panggagahasa noong January 2014.

Sa kanyang unang affidavit, sinabi niyang walang rape na nangyari.

Ngunit sa kanyang pangalawang affidavit, sinabi niyang sapilitan siyang ginahasa ni Vhong.

Sa kanyang ikatlong affidavit, sinabit ng modelo na may nangyari raw talagang panggagahasa dahil siya ay parang nahilo dahil sa alak na may halong droga na ipinainom sa kanya ng TV host-actor.

Nasangkot din sa kaso ang negosyanteng si Cedric Lee, at ang mga barkada nitong sina Zimmer Raz, Jed Fernandez, at Ferdinand Guerrero.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN