Janine Gutierrez gets blamed for breakup of AlDub; tagged as "user starlet" by fans

IMAGE Instagram @janinegutierrez / Noel Orsal

Janine Gutierrez, suwabe ang sagot sa below-the-belt comments ng netizens na sinisisi siya sa umano'y pagkasira ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza o AlDub.


Umani ng pambabatikos si Janine Gutierrez matapos makumpirmang isa siya sa makakatambal ni Alden Richards sa GMA-7 prime time series na Victor Magtanggol.

Ito ay sa kadahilanang may ilang sinisisi si Janine sa pagkasira ng exclusivity ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza, tatlong taon pagkatapos ng phenomenal success ng dalawa sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga.

Sa Instagram post ni Janine noong July 11, nagpahiwatig siyang gaganap siya bilang Gwen sa isang proyektong hindi niya pinangalanan.

Gwen ??????

A post shared by JANINE ???? (@janinegutierrez) on

Kasabay ito ng impormasyong sina Janine at Andrea Torres ang makakatambal ni Alden sa bago nitong fantaserye.

Sa comments’ section ng post ni Janine, inakusuhan siya ng ilang netizens na “user starlet” dahil sa diumano’y pang-aagaw niya kay Alden bilang ka-love team ni Maine.

Umabot sa puntong pati personal na buhay ni Janine ay inungkat ng mga pinaniniwalaang AlDub fans.

Sabi ng Instagram user na may handle name na @irongirl02, “User starlet gwen [lauging emoji] palibahasa mula sa broken family kaya hilig din manira ng iba. Wait mo karma mo"


Sinegundahan ito ng isa pang netizen na may handle name na @jo.nas700.

Sabi nito, “@irongirl02 true sya din sumira sa loveteam ng Julie Elmo noon.

“Wala syang respeto sa ka loveteam ni Alden unlike si Jasmine Curtis sabi nya sa interview noon may respeto sya sa aldub fan.

“Broken family kasi galing kaya ok lang sa kanya. Nakailang asawa na ba nanay nya?

"@janinegutierrez magkaroon ka kasi ng respeto sa ka loveteam!"



JANINE REACTS. Hindi pinalampas ni Janine ang paninira sa kanya ng ilang netizens.

Suwabeng buwelta ni Janine, “irongirl02 having separated parents doesn't make you broken though.

“If anything, it makes you stronger.”


Pati ang rumored boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz ay hindi natiis na depensahan ang dalaga.

Paninita ni Rayver sa isang basher, “@irongirl02 dami mong sinasabi"


SUPPORT FOR JANINE. May ilan ding fans si Janine na ipinagtanggol siya mula sa pambabatikos ng netizens na dismayado sa pagkakatambal niya kay Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kanilang reaksiyon:

'




Hindi kailang matagal nang hinihintay ng AlDub fans kung ano ang proyektong pagtatambalan nina Alden at Maine, kasunod ng teleseryeng Destined To Be Yours, na umere mula Pebrero hanggang Mayo 2017.

Ngunit noong April 7, nagpahiwatig ang talent manager ni Maine na si Rams David na hindi muna sasabak ang alaga nito sa teleserye, lalo na kung drama ang genre.

May 24 nang inanunsiyo ng GMA-7 ang solo project ni Alden via Victor Magtanggol.

Si Maine naman ay ilang linggo nang napapanood sa weekly fantasy series ng GMA-7 na Daig Kayo ng Lola Ko.

Napapabalita ring siya ang magiging leading lady ni Coco Martin sa pelikula nito kasama si Vic Sotto, na magiging entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).


Stories We Are Tracking

What will happen to AlDub? Maine's manager answers
What will happen to AlDub? Maine's manager answers
A look-back: Maine Mendoza speaking out unfiltered
A look-back: Maine Mendoza speaking out unfiltered
AlDub emerges as top love team in Twitter PH for Q1 2018
AlDub emerges as top love team in Twitter PH for Q1 2018


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN