UPDATED. Celebrity cosmetic surgeon Joel Mendez arrested for rape; released after posting P360,000 bail

IMAGE Courtesy: Mathieu Padilla on Facebook

Inaresto ang celebrity cosmetic surgeon na si Joel Mendez dahil sa kinakaharap nitong kasong two counts of rape at attempted rape. Ngunit pinakawalan din siya kinalaunan pagkatapos magbayad ng piyansa.


Nakalabas na ng kulungan ang celebrity cosmetic surgeon na si Joel Mendez.

Ayon kay Mandaluyong Police Chief Senior Superintendent Moises Villaceran, nakalaya si Mendez ngayong araw, July 13, pagkatapos nitong magbayad ng piyansang nagkakahalaga ng PHP360,000 o tigwa-PHP120,000 sa bawat kasong kinahaharap niya.

Kahapon, July 12, ay nahuli ng mga awtoridad ang cosmetic surgeon kaugnay ng kasong two counts of rape at attempted rape na isinampa laban kay Mendez tatlong taon na ang nakararaan.

Ikinulong siya sa Mandaluyong City Police station.

Kumalat ang balita tungkol sa pagkaaresto kay Mendez dahil sa Facebook post ng isang Mathieu Padilla, na kamag-anak daw ng biktima ng respondent.

Ayon kay Padilla, nilapastangan daw ni Mendez ang reputasyon ng isa niyang kamag-anak.

Lumabas daw ang warrant of arrest laban kay Mendez noon pang 2016, ngunit ngayon lang ito nahuli ng pulisya.

Saad ni Padilla, “A family member has been violated by this man- Dr. Joel Mendez (Cosmetic Surgeon).

"A warrant of arrest was issued 2 yrs ago & finally we got him last night. He is now detained at the Mandaluyong Police Station.

"Appreciate any help in keeping the news out in social media so the other victims can step forward & prevent him from posting bail today. Salamat!”


Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang babae raw ang ginahasa diumano ni Mendez tatlong taon na ang nakalilipas.

Nakakuha rin kami ng kopya ng warrant of arrest na inisyu laban sa kanya.


Bukod dito, may iba pang kasong kinakaharap ang dating sikat na celebrity doctor kaugnay ng hindi niya pagbabayad ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) ng kanyang halos 40 empleyado.

Nasa P1.8M halos ang dapat bayaran ni Mendez sa SSS para sa kontribusyon ng kanyang mga empleyado sa Weighless Service Center simula pa noong 2011.


Stories We Are Tracking

Cops raid house of beauty doctor Joel Mendez over SSS case
Cops raid house of beauty doctor Joel Mendez over SSS case


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN