Mother of alleged rape victim dismayed over Joel Mendez bail grant

IMAGE Courtesy: Mathieu Padilla on Facebook

Umaasa ang ina ng biktima diumano ni Dr. Joel Mendez na hindi na ito magtatago at humarap na sa husgado upang umusad na ang kaso nitong two counts of rape at attempted rape.


Dismayado ang ina ng diumano'y rape victim dahil kaagad na nakapaghain ng piyansa ang cosmetic surgeon na si Joel Mendez kaugnay ng kinakaharap nitong mga kasong two counts of rape at attempted rape.

Nakapaglatag si Mendez ng piyansang nagkakahalaga ng PHP360,000–o tigwa-PHP120,000 sa bawat kasong kinahaharap nito–ngayong Biyernes, July 13.

Dinakip ng Mandaluyong City Police ang cosmetic surgeon sa isang condominium building Huwebes ng gabi, July 12, sa bisa  ng warrant of arrest na nailabas ng korte noong pang 2016.

Sa pamamagitan ng telepono, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ina ng complainant ngayong hapon.

Inilahad niya ang saloobin kaugnay ng pagpapalaya kay Mendez at sa dinanas ng kanyang anak sa kamay ng cosmetic surgeon.

Dahil sa pagiging sensitibo ng usaping ito, minabuti ng PEP.ph na huwag nang banggitin ang pangalan ng ina ng biktima upang maprotektahan din ang pagkakakilanlan ng kanyang anak.

Ayon sa ina ng biktima, nagulat sila na "bailable" ang nakasaad sa warrant arrest para kay Mendez dahil sa pagkakaalam nila ay non-bailable ang kasong rape.

“Sabi ko nga, bakit ganun, attempted rape and two counts of rape, 'tapos nabigyan ng bail.

"Di ba, dapat non-bailable yung ganun?

“So yun, sabi ko, ‘Anong mangyayari ngayon?’

"Maghi-hearing na raw, kailangan niya [Mendez] raw um-attend dun.

"What if di naman siya a-attend? E, di magtatago na naman.

“So, parang nakakapagod lang na kagabi, akala namin okay na, 'tapos bigla ngayon, wala na siya.”

VICTIM IS MINOR. Pagkatapos nito ay inilahad ng ina ng biktima sa PEP.ph ang nangyaring insidente sa pagitan ng kanyang anak at ni Mendez sa clinic ng huli sa SM Megamall noong taong 2015.

“Yung daughter ko kasi, nagmo-model dati.

"So, kinuha siyang beauty endorser ng Mendez Medical Group.

"Since endorser siya, entitled siya sa facial, meron siyang mga ganung freebies.

“So, nung mga una, okay naman siya, kasi nung una, akala ko si Mendez parang bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nakipag-usap siya, akala mo bakla siya, ‘Hi Mommy, hi Mommy.’

“Ganun siya pati sa ibang mga customer.

"So, hindi ako nag-isip sa kanya na manyakis itong lalaking ito.”

Masakit daw para sa kanilang pamilya ang pangyayaring ito dahil 17 years old lamang noon ang kanyang anak nun at magsi-celebrate ng kanyang debut sa kasunod na linggo.

Patuloy na salaysay ng ina ng biktima, “So, nagpunta kami dun sa clinic niya para magpa-body scrub.

“Nung nagpa-body scrub siya, iniwanan ko sandali, kasi tabi-tabi naman yung rooms dun, parang hindi ka naman mag-iisip nang hindi maganda, di ba?

“So, lumabas ako, 'tapos sabi ko sa daughter ko, puntahan na lang ako dun sa Pizza Hut, mag-meet na lang kami after niya.

“Ambilis dumating nung daughter ko. 'Tapos sabi ko, ‘O, tapos ka na agad?’

“Tahimik lang siya. Hindi siya kumain.”

THE INCIDENT. Hindi raw naikuwento kaagad ng anak niya ang pangyayari, kundi kinabukasan na.

Lahad ng ina ng biktima, "'Tapos ngayon pala, meron nang ginawa sa kanya itong manyakis na doctor.

“Pinalabas daw ni Mendez yung girl na uma-attend dun sa bata. 'Tapos, yun na, siya ang pumalit.

“Itong anak ko naman, since akala niya doctor siya, parang part yun ng ginagawa niya.

“Nung medyo hinahawakan na siya sa private part niya, na may ginagawa na, hindi na siya nakagalaw na parang na-shock siya, na parang di niya na nga raw alam kung bakit hindi siya nakasigaw.

“Natakot siya talaga.

"'Tapos sinabihan daw siya nung doktor na, ‘No, its okay. It’s okay,' sabing ganun nung doktor.

"'Tapos dun na nangyari yung anu-anong ginagawa sa kanya.

"Hanggang sa itinulak niya, 'tapos nagbihis siya, 'tapos umalis na. Pumunta na sa akin.

“Sinabi sa akin ng daughter ko yun, kinabukasan na, yung nangyari sa kanya.”

TRAUMATIC SITUATION. Laking tuwa raw nila nang nadakip ng pulisya si Joel kagabi, pagkatapos ng dalawang taong paghahanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaagad daw silang nagtungo sa Mandaluyong Police Station.

Saad ng ina ng biktima, “Ngayon lang siya lumitaw, 'tapos continuous pa rin ang paghanap sa kanya.

"So, yung nakita namin siya itong last week, binantayan na siya, minonitor na siya hanggang sa makuha siya kagabi.

"Nung nadampot na kagabi, pumunta kami dun sa presinto sa Mandaluyong.

"Ayun nga, itinuro ng daughter ko, in-identify na siya nga talaga yun."

Bumalik daw sa isipan ng kanyang anak ang masaklap na pangyayari tatlong taong na ang nakararaan.

“Yung daughter ko kagabi, parang bumalik yung last time na nangyari.

“Nag-freak out out ulit yung daughter ko nung nakita siya, 'tapos nanginginig siya ulit."

Ed's Note: Bukas ang PEP.ph sa panig ni Joel Mendez o ng kanyang kampo hinggil sa mga pahayag na ito ng ina ng complainant.


Stories We Are Tracking

Celebrity cosmetic surgeon Joel Mendez arrested for rape
Celebrity cosmetic surgeon Joel Mendez arrested for rape


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN