John Lloyd Cruz posts photo with "the only paparazzi I love" amid Ellen Adarna's legal battle

IMAGE @ekomsi on Instagram

John Lloyd Cruz posts photo with celebrity paparazzo-turned-restaurateur Roberto Bellini on his Instagram account. He wrote, "roberto bellini & i,the only paparazzi i love." John Lloyd's girlfriend Ellen Adarna is currently facing a legal battle after accusing a teenager of her "paparazzi" moves—secretly taking photos of Ellen and John Lloyd while in a restaurant months ago.


Pagkatapos ng ilang linggo ay muling nag-update si John Lloyd Cruz ng kanyang Instagram account kanina, July 15.

Isa sa mga post ng aktor ay ang litrato kasama ang paparazzi-turned-restaurateur na si Roberto Bellini.

Hindi nakalagay kung kailan o saan ang nasabing kuha, subalit kilala si Bellini bilang may-ari ng Bellini's, isang kilalang Italian restaurant sa Cubao, Quezon City.

Bago tumira sa Pilipinas ay dating celebrity paparazzi si Bellini sa Italy.

Pinaniniwalaan namang si John Lloyd ay naninirahan ngayon sa Cebu kasama ang girlfriend na si Ellen Adarna, na kumpirmadong nanganak noong June 27.

Ang caption ni John Lloyd sa litrato ang tila naging tawag-pansin sa kanyang post.

Saad niya, "roberto bellini & i, the only paparazzi i love"

roberto bellini & i,the only paparazzi i love

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Wala nang ibang sinabi si John Lloyd sa kanyang post bukod sa caption.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kasalukuyang may hinaharap na legal battle si Ellen.

Ito ay matapos na akusahan ng sexy actress ang isang menor de edad na "paparazzi" matapos nitong diumanong kinuhanan ng litrato nang palihim sina Ellen at John Lloyd, na ipinahayag naman ni Ellen sa kanyang Instagram stories noong May 5.

Dahil dito ay nagsampa ng reklamong Anti-Cybercrime at Anti-Child Abuse ang mga magulang ng teenager na sina Myra at Roel Santos laban kay Ellen.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Teenager's family demands public apology from Ellen Adarna
Teenager's family demands public apology from Ellen Adarna
Ellen makes
Ellen makes "patol" to netizen for secretly taking videos
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi

Sa preliminary hearing ng kaso noong June 11 ay dumalo si John Lloyd, at hiniling ng kampo nina Ellen na i-reschedule ang hearing noong June 25.

Subalit noong June 25 ay hindi pa rin nakadalo si Ellen.

Ayon naman sa abugado ni Ellen na si Atty. Rene "Rebo" Saguisag, hindi nakadalo ang sexy actress dahil manganganak na siya noong panahong iyon, at nanganak na nga matapos ang dalawang araw, noong June 27.

Itinanggi rin ni Atty. Saguisag ang diumano'y pagtatangka nilang i-delay ang proceedings sa Prosecutor's Office.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna's lawyer denies delaying tactics
Ellen Adarna's lawyer denies delaying tactics
Ellen Adarna no-show at hearing due to doctor's advice
Ellen Adarna no-show at hearing due to doctor's advice
Mom of teen netizen disappointed at Ellen Adarna's no-show
Mom of teen netizen disappointed at Ellen Adarna's no-show
John Lloyd attends hearing of legal complaints vs. gf Ellen
John Lloyd attends hearing of legal complaints vs. gf Ellen


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN