Teen netizen's mom dismayed by Ellen Adarna's refusal to apologize amid legal battle

IMAGE Rachelle Siazon / Instagram @maria.elena.adarna

The teen netizen's mom, Myra Santos, on legal battle versus Ellen Adarna: "July 23 is the last hearing for the cases we filed. We are hoping that soon our quest for justice will be realized."


Dismayado pa rin si Myra Santos sa kawalan ng pagsisisi ng sexy actress na si Ellen Adarna matapos nitong akusahan ng paparrazi ang menor de edad na anak ng una.

Kaugnay ito ng mga reklamong child abuse at cybercrime na inihain ni Myra at ng kanyang asawang si Roel Santos laban kay Ellen noong May 14.

Ngayong araw, July 16, isinumite ni Myra sa Pasig Prosecutor’s Office ang kanyang reply sa counter-affidavit na inihain ng kampo ni Ellen noong July 9.

Sa pakikipagpalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Myra, sinabi niyang hindi pa rin humihingi ng dispensa si Ellen o magbigay ng paliwanag man lang sa nangyaring insidente.

Dagdag ni Myra, “We filed our Reply today.

“July 23 is the last hearing for the cases we filed.

“We are hoping that soon our quest for justice will be realized.”

Hindi na idinetalye ni Myra kung ano ang nilalaman ng counter-affidavit ni Ellen.

"FIGHT FOR WHAT IS RIGHT." Sa hiwalay na panayam ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori, inihayag ni Myra na sumailalim sa “therapy” ang kanyang 17-year-old daughter matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan nito at ni Ellen.

Paglalarawan pa ni Myra sa saloobin ng anak, “Of course, hindi siya happy dahil nangyayari itong mga bagay na ito.

“Sa every day na ginagawa niya, nagkaroon ng mga restrictions.”

Nanindigan din si Myra sa desisyong ipaglaban ang karapatan ng anak sa legal na paraan.

“Siyempre para sa anak natin, we'll do whatever...

“So as long as alam natin na nasa tama tayo, we need to fight for our right.”

ELLEN'S DELIVERY DATE. Apat na beses na no-show si Ellen sa preliminary hearing para sa mga reklamong child abuse at cybercrime na kinahaharap nito sa Pasig Prosecutor’s Office.

Sa ginanap na preliminary hearing noong July 9, kinumpirma ng legal counsel ni Ellen na si Atty. Rene “Rebo” Saguisag Jr. na nanganak si Ellen noong June 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw kaya ni Ellen na ibiyahe ang kanyang bagong-silang na anak kaya no-show muli ang sexy actress noong araw na iyon.

Mariing itinanggi rin ni Atty. Saguisag na "play for delay" ang ginagawang hindi pagsipot ni Ellen.

Dadag ng abugado, base sa July 9 interview ni Marfori, "Mahirap naman ibiyahe yung sanggol. Pero kung tatagal sana yung pag-file ng rejoinder...

"Gusto nga niya humarap in time for us to file a rejoinder. Yun po yung sagot sa reply kung sakali."


Stories We Are Tracking

John Lloyd posts photo with
John Lloyd posts photo with "paparazzi" amid issue
Ellen Adarna's lawyer denies delaying tactics
Ellen Adarna's lawyer denies delaying tactics
Ellen Adarna no-show at hearing due to doctor's advice
Ellen Adarna no-show at hearing due to doctor's advice
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN