Lotlot de Leon is engaged to Lebanese boyfriend

IMAGE Instagram

Lotlot de Leon and her boyfriend of almost six years, Lebanese businessman Fadi El Soury, are now engaged to be married. Fadi proposed to Lotlot on July 15. 


Engaged na ang aktres na si Lotlot de Leon sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury.

Naganap ang proposal ni Fadi o Fred kay Lotlot sa Nature Wellness Village sa Tagaytay City nitong Linggo, July 15.

Nagulat daw ang aktres nang bigla na lamang inilapag ng waiter sa harapan niya ang isang pinggan na may lamang desserts, kung saan nakasulat ang mga salitang “Marry Me!”


Noon pa naman alam ni Lotlot na may plano talaga si Fadi na mag-propose sa kanya, hindi lamang niya alam kung kailan.

At nang sa wakas ay naganap na ito, ano ang una niyang naramdaman?

“Para akong nablangko for a while!” natawang sabi ni Lotlot.

Kuwento naman ni Fadi, “She said, ‘What is this? And then she was quiet for a while and then she started crying.” 

Ano ang mga salitang sinabi ni Fadi sa kanyang girlfriend?

“I didn’t say anything, I went down on one knee and then I told her, ‘Don’t cry,'” sagot ni Fadi.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahan sa Parañaque City kagabi, July 16.

Bakit napili ni Fadi ang July 15 para mag-propose?

Tugon niya, "Well, it’s an opportunity and I was planning it, it’s been actually more than one month [that we've been] planning to go out of town."

Umiyak si Lotlot nang nag-propose si Fadi at napaiyak na rin ang kanyang groom-to-be.

Limang taon at kalahati na ang kanilang relasyon. 

Nagkakilala ang magkasintahan sa pamamagitan ng isang common friend na nag-introduce sa kanila sa isa’t isa.

Noong January 17 ay nagdiwang sila ng kanilang sixth anniversary.

Malamang daw ay isang beach wedding ang maganap, at plano nila na sa December ito ganapin.

Bakit December sila magpapakasal?

“Because it’s holiday all around,” wika ni Fadi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muslim si Fadi at Katoliko si Lotlot kaya isang civil wedding ang magiging seremonya ng kanilang kasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN