Mark Neumann opens up about non-showbiz girlfriend of two years

IMAGE Noel Orsal

Kapamilya actor Mark Neumann talks about falling for a non-showbiz girl. "Caring siya, supportive, motivating sa work ko. Sweet siya. Pareho kaming mahilig magluto. Lahat-lahat po."


Masaya ang love life ngayon ng Kapamilya at Star Magic artist na si Mark Neumann.

Sa grand presscon ng pelikulang Harry & Patty (A Beginning of A Not So Beautiful Love Story) kahapon, July 16, ay ipinakilala ni Mark sa media ang kanyang non-showbiz girlfriend mula sa Cebu—si Mafi.

Kasama niyang dumating ang kasintahan sa presscon na ginanap sa 9501 Restaurant, ELJ Building, sa ABS-CBN compound.

Si Mafi ay isang ballerina na naglalaro rin ng archery bukod pa sa pagiging clinical laboratory scientist.

Ipinagmalaki pa ni Mark na mahigit dalawang taon—and still counting—na ang kanilang relasyon.

Hindi gaanong nakausap ng press si Mark sa grand presscon ng Harry & Patty, pero dumalo siya sa red-carpet premiere ng Jacqueline Comes Home ng Viva Films na ginanap sa Cinema 12 ng SM Megamall, Mandaluyong City, noong kinagabihan din ng July 16.

Kasama rin niyang dumalo sa premiere ang non-showbiz girlfriend.

Dito ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark na naroon para magbigay suporta sa kanyang mga kaibigan.

Pahayag ni Mark nang usisain tungkol sa kasintahan, “Siguro kasi, when I got into showbiz, bagong mundo para sa akin ito.

“Di ba, galing ako sa isang simple life sa England? Then, nung bigla nga na my world changed sa showbiz, then as an actor, ibang-iba yung takbo, di ba?

“Parang yung iba, they would ask me about their personal life, na hindi ako sanay sa ganun.

“So, of course, the people that support me and motivate me, like my family, my manager, my tito, tita, they deserve to... I would like to tell them, pero hindi ako nasanay na sabihin agad.”

Sa dinami-dami ng magagandang babae sa showbiz, bakit kaya isang non-showbiz girl ang kanyang pinili?

Ayon sa dating Kapatid actor, “Ano lang po. I really can’t... Siguro nangyari na, hindi mo naman pipiliin kung ano ang gusto mo, e. Nangyari lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung una ba silang magkita, naramdaman na kaagad ni Mark na gusto niya itong maging girlfriend?

Sagot niya, “Hindi naman. It just happens... friends muna kayo nang long, ganun na naman.

“Caring siya, supportive, motivating sa work ko. Sweet siya. Pareho kaming mahilig magluto. Lahat-lahat po.”

Mabuti nga raw ay hindi nai-insecure si Mafi sa dami ng magagandang Kapamilya stars na girlfriend-material.

Mabilis niyang tugon, “Hindi naman po. She takes it professionally... hindi naman po.

"All girls, non-showbiz or not are all beautiful girls."

Sa tingin ba niya ay si Mafi na ang "the one" sa kanyang buhay?

Ani Mark, “Sa akin naman po kasi, if you feel or dapat ang isipin mo ay yun na ang kasama mo sa buong buhay. 

"Kasi pag ang nasa isip mo ay 'Is she the one,' wrong na yung mindset mo in the beginning of the relationship, e.

“She’s always there for me na minu-motivate niya ako. Yun nga, when I’m tired ay inaalagaan niya ako.”

Loyal ba naman siya kay Mafi?

Nakangiting sagot ni Mark, “Of course!

“Magka-quarter life na ako, am I going to play around pa ba, di ba?”

Sa ngayon ay based daw sa Metro Manila ang kanyang girlfriend, kaya hindi raw problema ang quality time nila together.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN