Message to Barbie Imperial allegedly from mother of Paul Salas leaked online

IMAGE Rose Garcia

Kumakalat ngayon sa Twitter ang diumano'y mensahe ng ina ni Paul Salas na si Michelle Solinap-Salas. Pinabulaanan ni Michelle na nasaktan ng anak ang ex-girlfriend nitong si Barbie Imperial.


Wala pa ring opisyal na pahayag ang kampo ni Paul Salas sa alegasyon ng mga tagahanga ni Barbie Imperial na sinaktan ng aktor ang ex-girlfriend na si Barbie kaya nagkaroon ang huli ng mga pasa sa katawan.

Pero kahapon, July 16, ibinahagi ng fans nina Barbie at JM de Guzman ang mensahe diumano ng ina ni Paul na si Michelle Solinap-Salas para sa aktres.

Kasama nito ay ibinahagi rin ng fans ang sagot nila kay Michelle.

Base sa screenshot, makikitang noong gabi ng Sabado, July 14, nag-reach out si Michelle kay Barbie sa pamamagitan ng Facebook messaging.

Ayon sa kanyang mensahe, pinabulaanan ni Michelle ang post ni Barbie tungkol sa mga pasa nito sa katawan.

Nakiusap din si Michelle na sana ay hindi nag-post nang ganito si Barbie dahil kahit hindi ito totoo ay makakasira pa rin sa anak.

Bahagi ng mensahe diumano ni Michelle kay Barbie (published as is): “Hi Barbie, ano nangyayari bakit ganyan post si Paul iisipin ng tao nyan alam mo naman d magawa ni Paul yan at kung gaano ka kamahal ni Paul ikaw una nag ayaw at nakipaghiwalay ginawa na lahat ni Paul intindihin ka alam mo yan wag ganun parehas kayo artista parehas kayo artista si Paul masisira nakkalungkot mga nangyyari.”

Sagot naman daw ni Barbie sa ina ni Paul, sana ay nag-sorry na lang si Paul sa ginawa nito.

Baka raw gumawa na ang kampo ni Barbie ng legal na hakbang at mayroon daw pruweba si Barbie na makapagpapatunay sa ginawa sa kanya ni Paul. 

Bahagi ng sinasabing sagot ni Barbie: “Imbes na mag sorry nalang sya tita dinadamay nya pa mga kaibigan nya.

“Mas lalo niya kami pinupush na gumawa ng legal actions.

“May pruweba ako na sinaktan niya ako.”


Samantala, kasabay lumabas ng private message diumano ni Michelle kay Barbie ay ang screenshot naman ng isang private chat group ng mga tagahanga ni Paul, ang Paulsters (Official).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mababasa rito ang mensahe diumano ni Michelle sa fans ni Paul.

Ayon kay Michelle, kailangan na niyang magsalita dahil hindi na niya kayang nakikita ang anak na nahihirapan.

Pinabulaanan din niyang nagawa ng anak ang inaakusa ng mga tagahanga ni Barbie.

Bahagi ng sinabi ni Michelle: “Hindi ko na kaya na hindi magsalita na nakikita ko anak ko nahihirapan nasasaktan na mga nangyayari na tahimik lang siya kasi ano ayaw niya kami ma-stress na pamilya niya.

“Pero sobra na eh bilang nanay di ko na kaya makita ganun sinasabi sa anak ko na hindi naman niya ginawa…”

Tanong pa ng diumano'y nanay ni Paul sa kanyang mensahe, ano ang laban ni Paul dahil sa ating lipunan ay parang tama lahat ang sinasabi ng babae.

Dagdag pa ng ina ni Paul, “Dios na bahala, siya ang nakakaalam ng totoo. Lalabas at lalabas din ang katotohanan…”

Nakiusap siya sa mga tagahanga ni Paul na i-cheer nila ito upang gumaan ang pakiramdam nito.

Nanindigan din siyang walang katotohanan ang alegasyon laban sa kanyang anak.


Hindi kumpirmado kung galing nga ang mensaheng ito sa ina ni Paul.

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, nagpadala na rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Michelle at sa asawa niyang si Jim Salas upang kumpirmahin kung mensahe nga ba ni Michelle ang kumakalat sa Twitter.

Pinag-usapan nang husto sa social media ang Twitter post ni Barbie noong Sabado, July 14, kung saan ibinahagi nito ang mga larawan ng pasa sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

Nagkaroon kaagad ng haka-haka ang netizens na ang ex-boyfriend nitong si Paul ang may kagagawan ng mga pasa.

Hanggang ngayon, tahimik pa rin ang kampo ni Paul tungkol dito.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig nina Barbie Imperial at Paul Salas tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Kristoffer's girlfriend engages in word war with Barbie fans
Kristoffer's girlfriend engages in word war with Barbie fans
Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Barbie Imperial posts photo showing bruises, scratches
Barbie Imperial posts photo showing bruises, scratches


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN