Aiko Melendez quashes" gamitan" issue with boyfriend Subic Mayor Jay Khonghun

IMAGE Arniel Serato

Pinagtawanan lamang ni Aiko Melendez at boyfriend nitong si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun ang isyung "gamitan" na ibinabato sa kanila ng ilang bashers.


Mariing pinabulaanan ng aktres na si Aiko Melendez ang gamitan issue sa kanila ng boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun.

Ayon sa aktres, matagal na sa public service ang pamilya ng alkalde sa Zambales.

Saad ni Aiko, “Definitely walang gamitan.

"Kasi ang mga Khonghun, matagal na sa puwesto... and family sila ng public servants...

“His dad is the congressman now and his brother is board member.

"Kaya nakakatawa na iniisip nila may gamitan na nangyayari.

“In fairness sa boyfriend ko, matagal na siya nasa public service, and kilala sila sa Subic at Olongapo na tumutulong talaga.”

Aksidenteng nakasalubong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko kasama ang boyfriend niyang si Subic Mayor si Jay Khonghun sa garden area ng ABS-CBN noong Huwebes, July 12.

May guest appearance si Aiko sa Tonight with Boy Abunda at sinamahan siya ng nobyo.

Hindi ito ang una nilang public appearance dahil palagi naman daw siyang binibista ng alkalde sa taping nila ng prime time series na Bagani.

Magkasama rin sila sa two-week vacation nila sa Amerika kamakailan.


Inusisa ng PEP.ph ang third-termer mayor kung tatakbo ba siya sa susunod na eleksiyon.

Tatakbo raw siya pero hindi pa niya alam kung anong posisyon.

Ang kanya namang ama na si Zambales First District Representative Jeffrey Khonghun ay nasa ikalawang termino sa pagiging mambabatas.

Baling naman ni Aiko, “Tatakbo siya, yes, that’s for sure, but no definite position yet.”

Para maiwasan daw ng isyung gamitan, sinabihan na raw siya ng boyfriend na huwag siyang tulungan sa kampanya sa susunod na eleksiyon.

Pero para kay Aiko, hindi ito isyu sa kanya.

Saad niya, “Gusto ko, kaso si Mayor nagdadalawang-isip, kasi ayaw niya isipin yung mga gamitan issue.

"Pero ini-insist ko na help ako kasi naniniwala ako, sayang yung mga tulad nila na genuine ang pag-help sa tao, and the people of Subic can attest to that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin daw si Aiko na unti-unti nang napalapit sa nobyo ang kanyang mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN