Sunshine Cruz on wedding talks with Macky Mathay: "Tapusin muna ang dapat ayusin."

IMAGE @mackymathay Instagram

Sunshine Cruz on relationship with boyfriend Macky Mathay: "We're in a happy place. Sa edad naming ito, hindi naman dapat ginagawang kumplikado."


Nilinaw ni Sunshine Cruz na hindi sila nagmamadaling magpakasal ng boyfriend niyang si Macky Mathay.

Ang mahalaga ay nagkakaintindihan sila pagdating sa kanilang prayoridad sa buhay.

“Tapusin muna namin ang dapat ayusin.

"For now, chill-chill lang, di ba? Let’s just cross the bridge when we get there.

“We’re in a happy place. Sa edad naming ito, hindi naman dapat ginagawang kumplikado.

“I’m busy with my kids and my work. He understands and supports me and my children in a way.

"So I’m thankful that someone like him is there for me."

MARITAL STATUS. Parehong hiwalay sa kani-kanilang asawa sina Sunshine at Macky, na naging magkarelasyon mula noong September 18, 2016.

Ongoing pa rin ang annulment ng kasal ni Sunshine at estranged husband niyang si Cesar.

Si Macky ay hiwalay na sa misis niyang si Camille Fariñas, anak ni Ilocos Norte Representative Rodolfo "Rudy" Fariñas.

Ngunit minsan nang nasabi ni Macky na napag-uusapan nila ni Camille ang posibilidad na ipa-annul ang kanilang kasal.

Sa parte ni Sunshine, importante pa rin ba sa kanya ang kasal?

Sagot ng Kapuso actress, "Honestly for now, after my experience... Hahaha!

"We'll see na lang talaga. Bahala na lang talaga si God sa kung anong mangyayari.

"Gusto ko na lang muna talaga maayos ang dapat maayos. And hopefully, darating naman iyan."

Ni hindi rin naman daw akalain ni Sunshine na iibig siyang muli matapos ang hiwalayan nila ni Cesar, na kanyang first boyfriend bago sila nagpakasal noong 2000.

"Sabi ko nga, lahat naman iyan darating in God’s time talaga. Hindi mo naman inaasahan, e.

"May mga bagay akala mo gusto mo planuhin, hindi naman nangyayari.

"Alam ko naman na may plan si God for me."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Sunshine pagkatapos ng presscon ng Kapag Nahati Ang Puso, na ginanap sa 17th Floor GMA Network Center sa Quezon City noong July 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay inilarawan ni Sunshine si Macky bilang tipo ng boyfriend na hindi seloso.

Hindi ba ito nangangambang maagaw pa siya ng ibang lalaki?

Sagot ni Sunshine, "He is a very confident person, vice versa. Basta kami, chill-chill lang.

"Ayoko ng away. Pagod na tayo dun!

"Mag-41 na ako! Magbabagets-bagetsan pa ba tayo?

"Basta sa happy na na lang tayo, di ba?"

SUNSHINE'S BIRTHDAY. Hindi kaila ang pagmamahalan sa pagitan nina Sunshine at Macky, base na rin sa sweet photos and messages na ibinabahagi nila sa isa't isa sa social media.

Tulad ngayong araw, July 18, kung kailan ipinagdiriwang ni Sunshine ang kanyang ika-41 kaarawan.

Narito ang sweet birthday greeting ng 38-year-old na si Macky para kay Sunshine:

• • Every time I pray I never forget to thank Him for blessing my life with someone like you. I couldn’t and know in my heart and mind that I wouldn’t ask for more! Even my kids are so blessed to have you who takes really good care of them as if they were your own. - Tita Alma would say, you were named “Sunshine” because you were born on a rainy and stormy day. I couldn’t agree more because having you in my life is like having my own personal dose of sunlight, rain or shine. - I will always appreciate you, show you how much you mean to me everyday and do everything just to make sure that you are always happy in every possible way. - Happy birthday my Sunshine! • #????7924 #mackysunshine #luceatlux #letYourlightShine #amdg #admajoremdeigloriam_forthegreatergloryofGod

A post shared by Ismael “Macky” Mathay IV (@mackymathay) on


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN