Meg Imperial cries foul amid call for Jacqueline Comes Home boycott

IMAGE @megimperial on Instagram

Meg Imperial reacts to critics of her latest movie Jacqueline Comes Home, "Nakakadepress ang mga pinagsasabi nyo. Pasalamat kayo at strong akong tao and no tendency of suicide but what if...are u gonna cont.?"


Inuulan ngayon ng batikos ang social media accounts nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome dahil sa pelikula nilang Jacqueline Comes Home.

Sina Meg at Donnalyn ang mga bida sa pelikula, kung saan ginampanan nila ang magkapatid na Jacqueline at Marijoy Chiong, mga biktima ng abduction/rape/murder sa Cebu City noong 1997.

Ang pelikula ay base sa point of view ng pamilya Chiong.

Sa press conference ng pelikula kamakailan, nabanggit ni Meg na walang silang pagkakataong makilala ang pamilya ng biktima.

Ang ina ng mga biktima na si Thelma Chiong ang nagbigay ng permiso kay Carlo J. Caparas, na siyang nagsulat ng script ng Jacqueline Comes Home.

Ang anak ni Carlo na si Ysabelle Peach Caparas ang nagdirek ng pelikula.

Kasabay ng paglabas ng pelikula, lumitaw sa socia media ang documentary na Give Up Tomorrow na ginawa ni Marty Syjuco noong 2011.

Ito ay naka-focus naman sa istorya ng itinurong mastermind ng krimen na si Francisco “Paco” Larrañaga.

Ipinakita sa hour-and-a-half documentary kung paano ang hindi maayos na paghawak at pagdinig sa kaso hanggang sa umabot ito sa Korte Suprema.

Sa ngayon, umabot na sa ilang milyon ang views ng documentary, na ilang beses na ring na-upload ng iba't ibang netizens sa social media.

Dahil dito, nagsimula ang panawagan na #FreePaco at pag-boycott sa pelikulang Jacqueline Comes Home.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit dinudumog ng netizens ang social media accounts nina Meg at Donnalyn para kondenahin ang kanilang pagganap sa pelikula.

BAKIT KAMI? Sa pamamagitan ng Instagam Story, naglabas ng reaksiyon si Meg tungkol sa mga negatibong komentong natatanggap niya dahil sa kanyang pagganap bilang Jacqueline sa pelikula.

Aniya, “Ang hindi ko maintindihan sa inyo sa 'research na yan at paulit ulit nyo.

“Ilang beses po ba dapat sabihin sa inyo we've done our research?

“And kung tinanggap namin ang film, bakit kami ang binabatikos ninyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tanggihan man namin yan o hindi. Meron at meron pa rin kukunin na artista na gaganap dyan.

“Bakit ang artista ang binabash nyo rather than the justice system that you guys are so into?

“Why not the government if you want change? Or action regarding that matter? Why us?

“Do you think sa ginagawa nyo may naitulong kayo kay Paco?

“Kami ba na mga artista ang nagpakulong?

“At may kakayanan magpalaya sa kanya? If you think you guys know everything then go to court and open the case.”

Kasunod nito ay binatikos din ni Meg ang mga taong galit sa kanila na aniya'y “sumasabay lang sa hype ng topic.”

Saad pa niya, “Kailan nyo lang ba nalaman about sa case? Hindi ba when you saw the trailer?

“Unless you guys were there at isa kayo sa nakakaalam ng truth. Then if not who are you to judge the people behind this film? Esp kami ni Donnalyn?

“Ang concern nyo sa case instead makabuti nakakasama.

“Ang sinasabi nyong hindi fair sa justice system eh ginagawa nyo samin.

“Kami ba pumatay? Bakit kung makapang hamak kayo para kami ang dapat nakulong?

“Bakit kung makapagsalita kayo parang kilala nyo na kami simula't sapul?

“Oo! Freedom of speech pero alamin nyo sinasabi nyo.

“Hindi yung sumasabay lang sa hype ng topic. Kaya ang daming nagsusuicide because of cyber bullying.”

Ibinahagi rin ni Meg ang kanyang Instagram Stories sa Twitter account niya.

Aniya, “Nakakadepress ang mga pinagsasabi nyo. Pasalamat kayo at strong akong tao and no tendency of suicide but what if...are u gonna cont.?”

“I CRIED FOR THEM.” Batikos din ang inabot ni Donnalyn matapos siyang mag-post sa Facebook tungkol sa naging karanasan niya sa pagganap bilang Marijoy sa Jacqueline Comes Home.

Sa ngayon ay may mahigit 30,000 reactions na ito, karamihan ay angry reaction; mahigit 12,000 comments; at mahigit 20,000 shares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad ni Meg, iginiit din ni Donnalyn na nag-research sila bago gawin ang pelikula.

Sa katunayan, aniya, napanood din niya ang documentary na Give Up Tomorrow bago pa ito naging viral.

Sinabi pa niya sa isang comment, “I'm trying to be as neutral as possible because both sides suffered.

“I even said that the accused deserved a more fair trial before anything else? Why are you guys disregarding that fact?

“I watched the documentary twice and showed it to my friends, way before most of you did, 10K palang yata views nun sa YouTube.

“I cried for them. Much as I cried for Marijoy and Jacqueline Chiong.

“That is why our director made sure she'd cover that both of matter too.

“All you guys gotta do is see for yourself before you comment.”




ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN