Maricar Reyes on husband Richard Poon: "I told him lahat ng baho ko na nakakahiya."

IMAGE PEP File

Pinag-isipan daw nang husto ni Maricar Reyes kung sasabihin niya ang lahat ng kanyang "baho na nakakahiya" sa nobyo pa lang niya noong si Richard Poon dahil baka ayawan siya nito. Pero nasabi rin daw niya sa huli ang lahat at malugod naman daw itong tinanggap ng singer na asawa na niya ngayon.


Masaya at smooth-sailing ang relasyon ng mag-asawang Maricar Reyes at Richard Poon.

Ang susi raw nito ay nagsabihan na sila ng mga sikreto sa buhay bago sila nagpakasal noong taong 2013.

Sa latest entry sa YouTube vlog nilang Richard and Maricar Poon, na may pamagat na "Honesty of Partner's Past," ibinahagi ng mag-asawa ang tungkol dito habang nagbibigay ng payo sa kanilang subscribers.

Nai-upload ang video noong Sabado, July 14.

Rebelasyon ni Maricar, “Noong hindi pa kami dating ni Richard, I made some mistakes of my own sa past.”

Hindi na idinetalye ni Maricar kung anu-ano ang mga pagkakamaling iyon.

Patuloy niya, “Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya o hindi.

“'Tapos noong una, hindi ko sinasabi.

"But eventually, there was one evening, I don’t know if you remember, na tinawagan ko siya ulit.

"Naisip ko, ‘Bahala na.’ Pa-cute pa ako, kasi nakakatakot, e.

“It's very difficult to tell bad things about yourself to your partner.

"Siyempre gusto mo magpa-impress, di ba?

"Eventually, tumawag ako sa kanya, and I told him lahat ng baho ko na nakakahiya.”

Ayon pa sa Bagani actress, naisip niya noon na kung ayawan siya ng nobyo ay mas mabuting nasabi niya lahat para wala nang sisihan.

“Kung ayaw na niya ako after telling him all the things that I wanted to tell him, e, di huwag.

“E, di tapos na.

"At least, before anything got more complicated, nasabi ko na,” saad ni Maricar.

Sinang-ayunan naman ito ni Richard.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN