Hashtag Jon Lucas admits he's now a father and a married man

IMAGE Noel Orsal

Umamin na sa wakas si Jon Lucas na isa na siyang ganap na ama at kasal na sila ng ina ng kanyang anak. Paliwanag niya, "Ayaw ko na magpakapeke dahil alam ko naman kung anuman yung magma-matter sa huli ay yung paninindigan ko at ang pagiging totoo."


Kinumpirma na sa wakas ng Hashtags member na si Jon Lucas na may anak na siya.

Diretsong sinagot ni Jon ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung totoong nakabuntis siya na naging dahilan ng pagkakasuspinde niya sa It’s Showtime.

Sagot ng 22-year-old actor-dancer, “Ayun, siyempre gusto ko na magpakatotoo sa lahat.

“Ayaw ko na magpakapeke dahil alam ko naman kung anuman yung magma-matter sa huli ay yung paninindigan ko at ang pagiging totoo.

“Yun, totoo, meron... Yun nga yung pumalit sa lungkot na naranasan ko sa nanay ko.”

Pumanaw ang ina ni Jon noong September 2017.

Patuloy niya, “Nagkaroon ako ng kaligayahan, ayun, meron na akong baby—baby boy.

“Ayun nga, eight months na siya."

Nang masuspinde siya sa daily noontime show ng ABS-CBN ay itinuon daw ni Jon ang kanyang atensiyon sa anak.

Saad niya, "So, yun ang pinakamahalaga din sa akin ngayon, na kahit nasuspinde ako sa Showtime, e, nalilibang naman ako, na mas totoong libang na nag-e-enjoy ako, na totoong saya dahil naaalagaan ko na yung baby ko.

“Na ngayon, habang lumalaki siya, gusto ko nabibigay ko muna yung responsibility ko bilang ama.”

Sa huling bahagi ng 2017 ay hindi na napanood sa It’s Showtime si Jon at kapwa niya Hashtags member na si Bugoy Cariño, na napapabalita ring nakabuntis sa murang edad na 15.

March 2018, inamin ng kagrupo nilang si Jameson Blake na pinatawan ng management ng indefinite suspension ang dalawa.

Bagamat hindi nito sinabi ang dahilan ng kanilang pagkakasuspinde.


Stories We Are Tracking

Jameson reveals Jon and Bugoy on
Jameson reveals Jon and Bugoy on "indefinite suspension"

Pero ayon kay Jon, itinuturing niyang isang malaking blessing sa kanyang buhay ang pagsilang ng anak.

“Kung sa iba, liability siya, para sa akin, sobrang blessing siya.

"Kasi totoo, kahit na hindi ako magkakaroon ng trabaho sa ngayon, yung paglabas pa lang niya, yun na yung pinakamalaking blessing na natanggap ko last year.

“Yun na yung pinakamahalagang nakuha ko siguro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph at ilang miyembro ng media si Jon sa grand presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Dito Lang Ako, sa isang restaurant sa TriNoMa Mall, Quezon City, ngayong Biyernes ng hapon, July 20.

Ang Dito Lang Ako ay mula sa Blade Entertainment at pinagbibidahan din nina Michelle Vito, Akihiro Blanco, Boots Anson-Rodrigo, at marami pang iba. 

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa August 8.


NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Kasunod na inusisa ng PEP.ph kay Jon ang tungkol sa usap-usapang nagpakasal na siya sa ina ng kanyang anak.

Ayon sa mga lumabas na balita, naganap daw ang kanilang kasal noon ding 2017.

Twenty-five years old na raw ang non-showbiz girlfriend niya at kaanib din ng Iglesia Ni Cristo (INC) kagaya niya. 

Medyo nagbiro muna si Jon bago niya ito sinagot.

Aniya, “May nagbalita na kasal na ako? Grabe naman.”

Pero kalaunan ay umamin na rin ang Star Magic artist.

Pahayag ni Jon, “Sige ano... totoo. Totoo. Ayoko na talaga magpakapeke. 

“Alam ko na makikita ito ng mga fans ko, ng mga supporters ko, alam ko lahat ito ay mapapanood at mababasa nila.

“Pero ang pinakagusto ko lang, ang alam ko naman hanggang sa huli, yung mga fans ko, mag-i-stay talaga iyan.

“Higit na mag-i-stay sa akin ay yung family ko hanggang sa huli.

"So, yun, gusto ko na silang panindigan. Yeah."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN